VeritasPH

The Word, The Truth

Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.

SHARE THE TRUTH

 1,110 total views

Mga Kapanalig, tatlong salita ang bumubuo sa tema ng ika-125 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas: Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.

Isa-isahin natin ang mga ito. 

Unahin natin ang kalayaan. Mahigit isang siglo na nang ang Pilipinas ay lumaya mula sa tatlong daan taóng pananakop ng mga Kastila. Bagamat ilang mananakop din ang kumontrol sa ating bayan matapos niyon, ang kasarinlan mula sa mga Kastila ang kinikilala nating kasukdulan ng napakaraming kilos ng pagkamakabayan at nasyonalismo. Mula sa ating mga itinuturing na bayaning sina Jose Rizal at Andres Bonifacio hanggang sa mga hindi mapangalanang nag-alay ng kanilang lakas, talino, at maging buhay, iyon ang yugtong nagising ang ating diwa bilang isang bayan. 

Malayo na ang ating narating mula noon, ngunit sa lagay ng ating bayan ngayon, mistula pa rin tayong nakakulong sa mga hawlang kapwa rin natin ang nagtayo. Nariyan ang hawla ng kahirapan—isang hawlang ayaw buksan ng mga ganid at sakim sa kayamanan, ng mga nang-aagaw ng lupa, ng mga ayaw magpasuweldo nang tama. Nariyan din ang hawla ng kamangmangan—isang hawlang pilit isinasara ng mga pulitikong ayaw maging matalino ang mga botante at hinahayaang umasa sila sa kanila. Ito ang mga hawlang hadlang sa totoong demokrasyang tanda ng tunay na kalayaan. 

Ito ang kalagayan ng ating bayang inihahanda para sa tinutukoy ng pangalawang salita sa tema ng pagdiriwang natin ngayon ng Araw ng Kalayaan: kinabukasan. Sino ang bumubuo ng kinabukasang ito? Sila ang ating kabataang tinawag ni Gat Jose Rizal na pag-asa ng ating bayan. Sila ang inaasahan nating magpapatuloy—kung hindi man magpapabuti—sa tinatamasa natin sa kasalukuyan. 

Ngunit ano na nga ba ang lagay ng ating kabataan ngayon? Katulad nating mga nakatatanda, naghahangad din sila ng matatag, maginhawa, at matiwasay na buhay. Sa ngayon, marami sa kanila ang nag-aaral o nagsisimula nang magtrabaho. Gayunman, ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa ay tila ba bumababa, kung pagbabatayan natin ang performance ng mga mag-aaral. Ang mga trabahong maaari nilang pasukan ay hindi lahat nakapagbibigay ng maayos na sahod o maging ng kahulugan sa kanilang buhay. Ayon pa sa survey ng Youth Leadership for Democracy (o YouthLed), bagamat mas marami sa ating kabataan ang nais manatili rito sa Pilipinas upang magtrabaho, nasa 20% ang nasabing bukás silang mangibang-bansa.

Upang maiwasan nila ang ating mga pagkakamali bilang isang bayan, matuto sana ang kabataang Pilipino sa mga aral ng ating kasaysayan—ang ikatlong salita sa tema ng pagdiriwang natin ngayon ng Araw ng Kalayaan.  

Ngunit may mga banta ngayon sa pagpapanatiling buháy ng kasaysayan sa ating mga diwa. Maliban sa paglaganap sa social media ng fake news at pagbabaluktot sa kasaysayan natin—lalo na ang tungkol sa mga pang-aabuso sa ilalim ng diktaduryang Marcos—ang pag-aaral ng kasaysayan ng ating mga mag-aaral ay hindi na nabibigyang-pansin. Minsan na nating tinalakay sa isang editoryal ang planong pagbabago ng Department of Education sa curriculum sa mga paaralan na magpapalabnaw sa kasaysayan bilang isang subject. Lantad na nga ang ating kabataan sa mga kasinungalingan tungkol sa ating nakaraan, hindi pa sila nabibigyan ng pagkakataong maging kritikal sa pagbabaliktanaw sa ating pinanggalingan at pinagdaanan. 

Mga Kapanalig, ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay isang paraan ng paggising sa ating pag-ibig sa ating bayan. Mabuti sa pananaw ng ating Simbahan ang pag-ibig sa bayan. Sang-ayon ito sa prinsipyong tinatawag nating solidarity o pakikipagkaisa kung saan nalilinang ng bawat miyembro ng lipunan ang higit na kamalayang sila ay nakikinabang sa lipunang kinabibilangan nila, sa kalayaang ipinamana sa atin ng ating mga bayani. San lang, ang kalayaang ito, wika nga sa 1 Pedro 2:16, ay hindi natin “gamitin bilang panakip sa masasamang hangarin.” 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,356 total views

 6,356 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,892 total views

 13,892 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,878 total views

 29,878 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,923 total views

 37,923 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 43,003 total views

 43,003 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 6,357 total views

 6,357 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 13,893 total views

 13,893 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 29,879 total views

 29,879 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 37,924 total views

 37,924 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 43,004 total views

 43,004 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,384 total views

 43,384 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,170 total views

 45,170 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,095 total views

 42,095 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,409 total views

 56,409 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,099 total views

 60,099 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,702 total views

 58,702 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,689 total views

 68,689 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,657 total views

 72,657 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,544 total views

 83,544 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,983 total views

 95,983 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top