Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 5,955 total views

Kapanalig, bago na ang panahon pero marami pa ring mga tahanan sa loob at labas ng ating bansa ang nakakaranas ng karahasan. Kadalasan, ang mga biktima ng karahasang ito ay mga babae.

Ayon nga sa isang pag-aaral ng World Health Organization (WHO), tinatayang isa sa tatlo o 30% ng mga babae sa buong mundo ay nakaranas ng physical o sexual violence. Kadalasan, ang karahasang ito ay mula sa kamay ng kanilang mga partner. Ayon pa sa pag-aaral na ito, 38% ng mga murders o pagpatay sa mga babae ay ginawa mismo ng kanilang mga partners.

Maraming mga salik o factors kaugnay ang pisikal at sekswal na karahasan. Marami sa mga salik na ito ay maaaring matugunan ng tahanan, pamayanan, pamahalaan, at lipunan. Kasama nito ang mababang antas ng edukasyon, karanasan at exposure sa child maltreatment at family violence, antisocial  behaviors, pag-inom, ang pagtaguyod sa pananaw na mas  mataas ang antas o status ng lalaki kaysa babae, at mababang antas ng gender equality.

Kapanalig, kailangan natin harapin ang mga salik na ito kung nais natin ipairal ang gender equality sa ating bayan at iwaksi ang karahasan sa kababaihan. Kailangan nating i-check din ang ating sarili. Hindi natin minsan napapansin na  tayo mismo ay may mga gender bias din na nagpapa-lala ng sitwasyon para sa maraming kababaihan. Isang halimbawa: kapag usapang contractor, o welder, o engineer, lalaki ang kadalasang inaasahan nating ginagampanan ng mga trabahong ito. Hindi natin agad nai-isip na marami na ring babae ang namamayagpag sa mga trabahong karaniwang nado-dominate ng mga lalaki lamang dati.

Ang pag-iral ng karahasan sa kababaihan ay nagpapaliit ng mundo ng mga babae sa lipunan. Sa halip na malaya silang makagalaw sa daigdig na inilaan ng Diyos para sa lahat, sila ay nakukulong sa takot. Kapag lubusang nangyari ito, hindi lamang ang babae ang kawawa. Ang buong mundo ay kawawa. They hold up half the sky, kapanalig. Hindi nila magagawa ito dahil kahit makaalpas sila sa karahasan, nag-iiwan ito ng mga sugat at peklat sa kanilang mental at physical health.

Ayon nga sa WHO, ang mga babaeng nakaranas ng partner violence ay doble ang risk na magkaroon ng depresyon. Marami sa kanila ay nagkakaroon pa ng ibang sakit gaya ng mga STDs. At kapanalig, kapag kawawa ang ina,  kawawa din ang mga supling.

Noong 1995, sinulat ni St. John Paul II sa kanyang Letter to Women na “unfortunately, we are heirs to a history which has conditioned us to a remarkable extent. Women’s dignity has often been unacknowledged and their prerogatives misrepresented; they have often been relegated to the margins of society and even reduced to servitude.” Nanawagan siya, at sana’y ating dinggin, na ikundena natin ang lahat ng uri ng karahasan sa kababaihan, at tingnan ang ehemplo ng pagrespeto ni Hesus sa mga kababaihan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 18,474 total views

 18,474 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 34,562 total views

 34,562 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 72,279 total views

 72,279 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 83,230 total views

 83,230 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 26,704 total views

 26,704 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 18,475 total views

 18,475 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 34,563 total views

 34,563 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 72,280 total views

 72,280 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 83,231 total views

 83,231 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 92,179 total views

 92,179 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 92,906 total views

 92,906 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 113,695 total views

 113,695 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 99,156 total views

 99,156 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 118,180 total views

 118,180 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top