Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Karapatang pantao, hindi dapat alisin sa war on drugs

SHARE THE TRUTH

 464 total views

Hindi nararapat na isasantabi ang paggalang sa karapatang pantao sa pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa.

Ito ang paninindigan ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs sa isinusulong na suspension ng writ of habeas corpus.

Ayon kay Father Secillano, pinaniniwala ng gobyerno ang mga tao na ang tanging daan upang matugunan ang problema sa ilegal na droga sa bansa ay sa pamamagitan ng pag-aalis ng ating depensa laban sa mga pang-aabuso at impunity.

“Have we run out of effective options to combat the drug problem that we are going to give up our human rights? We are being made to believe that the only way to address the drug problem is to take away our only defense against possible abuses and impunity. While we recognize the menace that drugs have brought to our society, does that justify surrendering our basic rights just so they can put the country in order?” pahayag ni Father Secillano sa Radio Veritas.

Iminungkahi ng pari sa pamahalaan na resolbahin ang problema ng bansa sa ilegal na droga sa pamamagitan ng legal na paraan, pagsasaalang sa tama, makatwiran at makatarungang pamamaraan.

“Let’s do things not only the legal way, but let’s also employ the right, just and ethical means to solve our problems,”pahayag ni Father Secillano sa Radio Veritas.

Isa sa dahilan ng pagsusulong ng suspension ng writ of habeas corpus sa Senado ay para palawakin pa ang sakop ng idineklarang national state of emergency kasunod ng Davao bombing at patuloy na pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na dorga.

Sa datos ng Commission on Human Rights as of August 31, 2016 ay pumalo na sa 2,448 ang nasawi sa war on drugs ng pamahalaan.

Sa nasabing bilang, 930-katao ang napatay sa lehitimong police operations habang 1,507 ang napatay ng hindi pa kilalang attackers at 10-police naman ang namatay sa drug operations.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 89,107 total views

 89,107 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,882 total views

 96,882 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 105,062 total views

 105,062 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 120,557 total views

 120,557 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 124,500 total views

 124,500 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Politics
Riza Mendoza

Go beyond politics

 6,768 total views

 6,768 total views Nanawagan si Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity Chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaan na

Read More »
Politics
Riza Mendoza

Due process, ibigay kay de Lima

 6,118 total views

 6,118 total views Mabigyan ng due process o patas na paglilitis. Ito ang mensahe ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas matapos arestuhin sa Senado si Senador Leila

Read More »
Politics
Riza Mendoza

LAIKO, nanindigan sa Death penalty

 6,266 total views

 6,266 total views Umaapela ang Sanguniang Laiko ng Pilipinas sa Kongreso na huwag payagang maibalik ang death penalty sa bansa. Sa ipinalabas na pormal na pahayag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top