Mga Ilog ng Metro Manila

SHARE THE TRUTH

 964 total views

Kapanalig, ang kasalukuyang henerasyon ay hindi na nagisnan ang angking ganda ng mga ilog ng ating bayan, lalo na ang mga ilog sa Metro Manila.

Ang mga kabataan ngayon, napag-aaralan na lamang sa kanilang mga textbooks ang ukol sa kasaysayan ng ating mga ilog, gaya ng Ilog Pasig. Ito ay naging sentro ng kalakalan at komersyo noon. Ang ilog na ito ay backbone ng sinaunang Metro Manila, at dito, sa makasaysayang katawang tubig na ito, nagbinhi ang ating mega-city, na bunga ng halo halong kultura ng mga sinaunang mamamayan na namuhay at nabuhay sa biyayang dala ng ilog.

Ang Marikina River naman, kapanalig, ay tahimik na testigo din sa makulay na kasaysayan ng Metro Manila, partikular na sa Marikina, na dati’y kasama sa lalawigan ng Rizal. Ang Marikina ay dati’y napakalaking sakahan na kinakalinga ng ilog. Gaya ng Marikina, ang San Juan River ay napapalibutan rin ng taniman, at sa paglipas ng panahon, binago ng urbanisasyon ang ilog at paligid nito.

Nakakalungkot isipin, kapanalig, na ang mga ilog na ito ay ngayo’y tinuturing na biologically dead. Noong 2004, ang mga ilog ng Pasig, San Juan, at Marikina, kasama ang Navotas-Malabon-Tenejeros-Tullahan (NMTT) River at Parañaque River ay tinaguriang biologically dead ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Bakit nga ba nangamatay ang mga ilog na ito?

Polusyon, kapanalig, ang pangunahing rason. Sa dami ng polusyon sa ating katawang tubig, nawawalan na ng oxygen dito at pinatay na ang mga hayop at halamang namumuhay sa ilog. Ngayon, dahil sa dumi, hindi na kayang sumuporta ng buhay ang ating mga ilog.

Ang basura rin ng mga mamamayan na naninirahan malapit sa mga ilog na ito ay bumabara sa alloy ng ilog. Ilang beses na ba nakakuha ng kutson, sirang electric fan, at mga sapatos tuwing may mga river clean up drives? Ang mga kompanya din na malapit sa ilog ay nagdadala ng polusyon sa ating mga katubigan.

May pag-asa pa naman kapanalig. Maari pang ma-revive o mabuhay ulit ang mga ito kung sama sama nating pagtutulungan ang paglilinis nito. Kailangan natin ma-maximize ang kakayahan ng nasyonal at lokal na gobyerno at ang kanilang political will upang mabigyang buhay muli ang ating mga ilog. Ang kanilang kalusugan ay magiging senyales din ng panibangong buhay at pag-asa sa unti unting nasisirang kapaligiran ng Metro Manila.

Maging gabay natin ang mga pahayag ni Pope Francis sa Laudato Si, na bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan: There is a growing sensitivity to the environment and the need to protect nature, along with a growing concern, both genuine and distressing, for what is happening to our planet… Our goal is not to amass information or to satisfy curiosity, but rather to become painfully aware, to dare to turn what is happening to the world into our own personal suffering and thus to discover what each of us can do about it.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 23,943 total views

 23,943 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 34,948 total views

 34,948 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 42,753 total views

 42,753 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 59,394 total views

 59,394 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,187 total views

 75,187 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 23,944 total views

 23,944 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anong pinagtataguan mo?

 34,949 total views

 34,949 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

To serve and protect

 42,754 total views

 42,754 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 59,395 total views

 59,395 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top