79,257 total views

Mga Kapanalig, pinabulaanan ng Philippine National Police (o PNP) ang mga umuugong na destablization plot laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Inatasan na ng pamunuan ng PNP ang Anti-Cybercrime Group nito para imbestigahan ang pinagmulan ng tinawag nitong tsismis, at para kilalanin ang mga tao o grupong nasa likod nito. Kumalat kasi kamakailan sa social media ang post kung saan makikita ang larawan ni PNP Chief Benjamin Acorda at Armed Forces of the Philippines (o AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner na kasama ang panawagan sa presidenteng bumaba sa kanyang puwesto. Fake news ito, giit ng PNP.

Matatandaang noong Nobyembre ng isang taon nang tila nagpahiwatig si General Brawner na may mga nagpaplanong patalsikin sa puwesto si PBBM. Hindi man siya kasama sa mga sinasabing nasa likod ng planong ito—katulad ng ipinahihiwatig sa mga kumalat na post kamakailan—pinaalalahanan niya noon ang mga sundalong huwag sumali sa anumang destablization plot. Umapela rin siya sa mga nais paalisin at palitan ang presidente na huwag nang idadamay ang mga active personnel ng AFP. Sinabi rin niyang mga dating opisyal ng AFP ang nagsusulong ng kudeta. Kalaunan, nilinaw ng tagapagsalita ng AFP na walang destabilization plot laban sa kasalukuyang administrasyon, at namali lamang daw ang media sa pagkakaintindi sa mga sinabi ni General Brawner.

Gaya ng paalala ng PNP, maging maingat tayo sa mga nababasa natin sa social media. Huwag nating agad na paniwalaan at ipakalat ang mga ito. Huwag tayong maging instrumento ng misinformation o panlilito sa ating kapwa.

Gayunman, subaybayan pa rin natin ang mga balitang idinadawit ang ating mga pulis at sundalo sa mga planong nagpapahina sa ating demokrasya. Sa ating kasaysayan, ilang beses nang nagkaroon ng pagkilos laban sa pamahalaan, partikular na ang mga pinangunahan ng mga miyembro ng militar. Ang mga umuugong ngayong destabilization plot ay nag-uugat umano sa mga hinaing ng mga retiradong sundalo at mga opisyal. Ayon kay dating Senador Antonio Trillanes, isang dating sundalo na nanguna rin sa mga pagkilos laban sa pamunuan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, karamihan sa mga sinasabing nasa likod ng mga kontra kay PBBM ay maituturing na malapít kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi raw sila pabor sa mga planong repormahin ang sistema ng pensyon para sa mga uniformed personnel. Tutol din daw sila sa kabukasan ng kasalukuyang administrasyon na magkaroon ng peace talks sa mga rebeldeng grupo.

Kung may mga lehitimong hinaing sila, sana ay iparating nila ang mga ito sa tamang paraan. Kung naniniwala silang ang taumbayan ang madedehado sa mga ginagawa ng administrasyon sa usaping panseguridad at pangkapayapaan, baka makatulong kung isasapubliko nila ang kanilang mga mungkahi. Ngunit kung kumikilos sila nang pailalim at idinadamay pa ang mga nasa aktibong serbisyo, hindi maiiwasang isiping interes ng iisang tao, pamilya, o grupo ang kanilang isinusulong at ipinagtatanggol.

Sa ating kapulisan at kasundaluhan—aktibo man o wala na sa serbisyo—nawa’y manaig ang inyong katapatan sa ating bayan. Malinaw sa ating batas at sa mga umiiral na panuntunan sa ating mga lingkod-bayan na hindi sila dapat nasasangkot sa pamumulitika. Kapag ang kanilang katapatan ay nasa isang tao, imposibleng umiral ang kapayapaan sa ating bayan. Kaakibat ng pagkilos sa kapayapaan, pagdidiin sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan, ang pag-iwas sa paglaganap ng pagkakahati-hati, ang pagtatanggol sa katotohanan, at ang paggawad ng katarungan sa lahat.

Mga Kapanalig, ang ating mga lingkod-bayan, kabilang ang mga pulis at sundalo, sana ay maging “mga lingkod [din] ng Diyos para sa ikabubuti natin,” wika nga sa Roma 13:4. Hangarín sana nila ang tunay na kapayapaan, kumilos nang ayon sa katotohanan, at manatiling tapat sa bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 75,518 total views

 75,518 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 87,164 total views

 87,164 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 96,411 total views

 96,411 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 102,208 total views

 102,208 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,596 total views

 114,596 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 75,520 total views

 75,520 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 87,166 total views

 87,166 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 96,413 total views

 96,413 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 102,210 total views

 102,210 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,598 total views

 114,598 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 64,747 total views

 64,747 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 99,958 total views

 99,958 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 145,793 total views

 145,793 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 146,811 total views

 146,811 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 120,577 total views

 120,577 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 117,636 total views

 117,636 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 118,678 total views

 118,678 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Is that good?”

 123,107 total views

 123,107 total views Mga Kapanalig, sa isang pastoral letter na inilabas noong huling araw ng Enero, pinuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang nagpapatuloy na people’s initiative kung saan kinukuha ang suporta ng taumbayan para bumoto bilang isang lupon ang mga senador at kongresista sa Charter change o Cha-cha.  Katulad ng ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya

 137,307 total views

 137,307 total views Ang sektor ng enerhiya ay kritikal sa ating bansa. Ito ang pundasyon ng mga industriya, komersyo, at pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Kung hindi natin mahaharap ang mga hamon na umaaligid dito, malaking problema ang sasalubong sa ating bayan sa kalaunan. Isa sa pinakamalaking hamon sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agrikultura

 147,760 total views

 147,760 total views Kapanalig, sa panahon ng digital age, nakakalimutan natin minsan ang sektor ng agrikultura. Ito ay isang malaking oversight, lalo pa’t ang karamihan sa mga maralita sa ating bansa ay sakop ng sektor na ito. Tinatayang mga 60% ng mga mahihirap sa ating bansa ay nasa agricultural sector. Isa sa mga pangunahing suliranin na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top