60-taong diplomatic relations ng EU at Pilipinas, ipinagdiwang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,605 total views

Tiniyak ng European Union ang patuloy na pakikipagtulungan sa Pilipinas sa pagdiriwang ng ika – 60 anibersaryo ng diplomatic relations.

Ayon kay EU Ambassador to the Philippines Luc Veron sa ikaanim na dekadang ugnayan mas paiigtingin ang pagtutulungan sa pagtaguyod sa pagpapahalaga sa nasasakupang pamayanan.

“We have a lot to show about 60 years of diplomatic relations with the Philippines, relationships that are based on shared values of democracy, human rights, equality, and the rule of law, as well as support for multilateralism and international law,” pahayag ni Veron.

Sinabi ng opisyal mas isabuhay ang diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa sa pagitan ng Pilipinas at EU sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at tradisyon.

Binigyang diin din ni Veron ang buong suporta sa pagpapaunlad sa ekonomiya at pagsusulong ng kapayapaan sa lipunan.
“We also have people-to-people relationships, trade and investment, relationships in terms of cooperation and peacebuilding,” giit ni Veron.

Nitong January 12, 2024 inilunsad ng EU ang yearlong celebrations ng ikaanim na dekadang bilateral relations sa pamamagitan ng pagpapailaw sa logo ng pagdiriwang sa iconic globe ng Mall of Asia sa Pasay City sa pangunguna ni Veron kasama sina Department of Foreign Affairs Undersecretary Theresa Lazaro at SM Supermalls President Steven Tan.

Batay sa kasaysayan 1948 nang magsimula ang de facto relations ng Pilipinas sa European Community at ganap na naitatag noong May 12, 1964 kung saan si Philippine Ambassador Vicente Singian ang naging kauna-unahang kinatawan ng Philippine Mission sa European Union habang 1991 naman nang pormal na magbukas ang EU Delegation sa Pilipinas.

Mula 1991 hanggang 1994 ang Pilipinas ang naging ASEAN country coordinator ng ASEAN-EU Dialogue relations kung saan kabilang sa tinalakay ang usapin ng regional security, human rights, disarmament, non-proliferation, at drug control.

Taong 2018 nang lagdaan ng EU at Pilipinas ang Partnership and Cooperation Agreement (PCA) para sa pagtutulungan sa usapin ng pulitika, lipunan, ekonomiya, kontra terorismo, transnational crime prevention, karapatang pantao, katarungan, usapang pangkapayapaan at iba pang mga usapin na kapakipakinabang sa mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 59,309 total views

 59,309 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 55,178 total views

 55,178 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 91,380 total views

 91,380 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 99,662 total views

 99,662 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 124,063 total views

 124,063 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top