Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kawalang-katarungan sa paraiso

SHARE THE TRUTH

 540 total views

Mga Kapanalig, paraiso kung ituring ng marami ang Boracay. Nawawala ang pagod ng mga kababayan natin at maging ng mga dayuhang dumarayo roon upang magbakasyon, lalo na nitong kasagsagan ng panahon ng tag-init.  

Ngunit sa likod ng maputi at pinong buhanging nilalaro ng agos ng asul na tubig-dagat, alam ba ninyong may mga kababayan tayo roong pinagkakaitan ng karapatan sa lupaing ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno? 

Nanganganib mawalan ng lupa ang mga kasapi ng tribong Ati matapos sang-ayunan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) ang petisyon ng mga pribadong property developers. Sa naturang petisyon, sinabi ng mga developers na hindi angkop na sakahan ang lupang ipinamahagi sa mga katutubo.1 Matatandaang noong 2018, kasabay ng pagpapatupad ng pamahalaan ng Boracay Rehabilitation Program, ginawaran ng administrasyong Duterte ng Certificate of Land Ownership Award (o CLOA) ang 15 pamilyang Ati sa isla. Matatagpuan sa Barangay Manoc-Manoc ang kabuuang 4,800 square meters na lupang nakapaloob sa CLOA. Kabilang ito sa collective CLOA na ipinamahagi ng nakaraang administrasyon sa mga katutubo at magsasaka sa Boracay.  

Ngunit sa pagkilala ng DAR sa petisyon ng mga pribadong property developers, mabibigyang-daan ang kanselasyon ng CLOA. Kung tuluyang mapapawalambisa ang CLOA, maaaring bilhin ng mga property developers ang lupang laan sa mga katutubong libong taon nang nakatira sa Boracay bago pa man ito maging isang sikat na tourist destination. 

Ito ang pinangangambahan ng CBCP Episcopal Commission on Indigenous Peoples o ECIP na nasa ilalim ni Bishop Jose Corazon Tala-oc ng Kalibo. Sa isang pahayag, sinabi niyang naninindigan ang Simbahang Katoliko sa Pilipinas na ang mga Ati ang lehitimong may-ari ng lupang nakapaloob sa mga CLOA na ini-award ng administrasyon ni Pangulong Duterte noong 2018. Paano raw hindi angkop sa pagsasaka ang mga lupang kinukuwestyon ng mga mukhang nais bumili nito gayong doon kumukuha ng kanilang pagkain at kabuhayan ang mga Ati bago pa man sila bigyan ng CLOA? “The Boracay Atis are crying for justice, and we are with them,” pagsisiguro ni Bishop Tala-oc. 

Ang bantang hinaharap ng mga kapatid nating Ati sa Boracay ay patunay ng walang patumanggang konsumerismo sa ating lipunan ngayon. Handa ang mga nais makinabang sa likas-yamang katulad ng lupa na paalisin ang mga katutubo at balewalain ang kanilang mga karapatan at ang kanilang kapakanan para lamang makapagtayo ng negosyong mapagkakakitaan. 

Ang Simbahan—at maunawaan sana ito ng mga layko—ay kakampi ng mga katutubo. Sa Laudato Si’, isang Catholic social teaching, binibigyang-diin natin ang espesyal na pagkalinga at pakikipagkapatiran sa mga katutubo. Para sa mga katutubong katulad ng mga Ati sa Boracay, ang lupa ay hindi lamang isang produktong binibili at pinagkakakitaan. Isa itong biyayang kaloob ng Diyos at ipinamana ng kanilang mga ninuno. Higit sa ani mula sa kanilang mga tanim, ang kanilang pagkakakilanlan (o identity) at mga pinahahalagahan (o values) ay nakaugat at umuusbong sa lupa. Kaya sagradong biyaya para sa kanila ang lupa, at ito ang gumagabay sa kanila upang pangalagaan ang lahat ng nakapaloob dito. 

Maliit kung tutuusin ang lupa sa Boracay na ipinamahagi ng gobyerno sa mga katutubo. Ito na nga lang ang naibalik sa kanila ng pamahalaan, ngunit heto at may mga gusto pang kunin ang kakarampot na lupang inaalagaan ng mga kapatid nating Ati. Paalala nga sa Lucas 12:15, “ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.” Aanhin ang kayamanang bunga ng pang-aagaw at pagsasantabi? 

Mga Kapanalig, huwag sanang hayaan ng administrasyong Marcos na mawala sa mga katutubong Ati ang lupang ipinagkaloob sa kanila ng nakaraang administrasyon. Maging instrumento sana ito ng katarungan, hindi ng kasakiman ng iilan. Ang Simbahan, samantala, ay mananatiling nasa panig ng mga katutubo. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 7,530 total views

 7,530 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 20,670 total views

 20,670 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 26,643 total views

 26,643 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 32,398 total views

 32,398 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 39,660 total views

 39,660 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 7,531 total views

 7,531 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 20,671 total views

 20,671 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 26,644 total views

 26,644 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 32,399 total views

 32,399 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 39,661 total views

 39,661 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,163 total views

 41,163 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,544 total views

 36,544 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,548 total views

 48,548 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,590 total views

 56,590 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,147 total views

 48,147 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,572 total views

 46,572 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,358 total views

 48,358 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,283 total views

 45,283 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,597 total views

 59,597 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,287 total views

 63,287 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top