SAC Legazpi, tumatanggap ng tulong para sa mga apektado ng bulkang Mayon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,455 total views

Nagpadala ng tulong ang Office of Civil Defense para sa mga apektadong residente dulot ng pagliligalig ng bulkang Mayon sa Albay.

Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa regional offices at lokal na pamahalaan para sa maayos na pamamahagi ng tulong kasabay ng pagbabantay sa kalagayan ng bulkan.

Sa huling tala ng OCD, umabot na sa 9.2 milyong piso ang halaga ng mga naipamahaging tulong tulad ng tarpaulin rolls, N95 face masks, food packs, hygiene kits, at portable water filtration unit sa mga nasa evacuation centers.

“We have reminded our counterparts and the LGUs to implement precautionary measures aggressively to ensure the safety of the residents. We also ask the residents to always follow authorities’ warnings and advisories.” bahagi ng pahayag ni Nepomuceno.

Nagpadala na rin ng water filtration truck ang ahensya at inaasahang maglalaan ng 3,200 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P4 million para sa mga apektadong pamayanan.

Natanggap na rin ng Albay Provincial Government ang 55 toneladang humanitarian aid mula sa pamahalaan ng United Arab Emirates, sa pamamagitan ng Office of the President, Department of the Interior and Local Government, at Department of Social Welfare and Development.

Samantala, tumatanggap na rin ng tulong at donasyon ang Legazpi Diocesan Social Action Commission na maaaring ipadala sa mga parokyang saklaw ng diyosesis o sa tanggapan ng SAC Legazpi sa Albay Cathedral Compound, Legazpi City.

Sa mga nais namang magbigay ng cash donations, maaari itong ipadala sa pamamagitan ng BPI Account na Social Action Center-SPM sa Account number na 0851-0067-37.

Batay sa huling ulat ng PHIVOLCS, nananatili pa rin sa Alert level 3 ang bulkang Mayon na nakapagtala ng pitong volcanic earthquakes, 309 rockfall events, at pitong dome-collapse pyroclastic density current (PDC) na tumagal ng apat na minuto, sa nakalipas na 24-oras.

Patuloy ding binabantayan ang mabagal na pag-agos ng lava mula sa crater ng bulkan na tinatayang aabot sa humigit-kumulang isang kilometro sa Mi-isi at Bonga Gullies.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 63,217 total views

 63,217 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,086 total views

 59,086 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 95,288 total views

 95,288 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,434 total views

 103,434 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 127,489 total views

 127,489 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top