Nasaan ang pangakong maginhawang buhay, katanungan ng inter-religious groups kay PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,657 total reads

Nanawagan ang mga lider ng iba’t ibang pananampalataya sa pamahalaan na tugunan ang patuloy na kahirapan, korapsyon, at kawalan ng pananagutan habang naghahanda ang bansa sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Sa nagkakaisang pahayag para sa SONA ng Sambayanan 2026, sinabi ng Inter-religious Leaders’ Council for National Transformation (IRLCNT) at White Ribbon Movement (WRM) na dapat suriin ang kalagayan ng bansa batay sa tunay na karanasan ng mga Pilipino, lalo na ng mga mahihirap na patuloy na humaharap sa mataas na presyo ng bilihin at kakulangan sa oportunidad.

Binigyang-diin ng grupo na bagama’t idineklara ang Pilipinas bilang upper middle income country, nananatili pa rin ang malaking bilang ng mga pamilyang nagsasabing sila ay mahirap.

Marami ring manggagawa ang nakararanas ng mababang sahod, kawalan ng seguridad sa trabaho, at paglabag sa karapatan sa paggawa.

“Nasaan na ang pangakong maginhawang buhay, ang Bagong Pilipinas para sa bawat Pilipino? Upper middle income country na raw tayo, pero sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey, 52% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila’y mahirap,” pahayag ng grupo.

Ayon sa religious leaders na pinangungunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairperson ng IRLCNT, at Bishop Efraim Tendero, Global Ambassador ng World Evangelical Alliance, nananatiling malaking hamon ang kalagayan ng mga magsasaka, lumalaking utang ng bansa, at kakulangan sa batayang serbisyo.

Iginiit din ng grupo na kailangang tugunan ang patuloy na banta sa mga pamayanan at kalikasan dulot ng ilang malalaking proyekto, lalo na ang mga nakaaapekto sa mga pamayanan at mga lupaing ninuno.

“Higit sa pagpapalit ng tao, kailangan ang makabuluhang pagbabago sa sistemang panlipunan. Kabilang sa aming panawagan ay ang nakabubuhay na sahod at sapat na kita, mababang buwis at presyo ng mga bilihin, de-kalidad na edukasyon, libreng serbisyong pangkalusugan, at murang pabahay,” ayon sa pahayag.

Nanawagan din ang IRLCNT at White Ribbon Movement na papanagutin ang lahat ng sangkot sa mga alegasyon ng korapsyon, kabilang ang kontrobersiya sa flood control projects.

Iginiit ng grupo na dapat mabawi ang mga pondong nawala sa kaban ng bayan at ilaan sa mga serbisyong kailangan ng mamamayan tulad ng edukasyon, kalusugan, agrikultura, pabahay, at proteksyong panlipunan.

“Kasuhan at parusahan ang lahat ng korap at abusado sa gobyerno. Bawiin ang nakaw na yaman at unahin sa pambansang badyet ang kapakanan ng mamamayan,” dagdag ng grupo.

Bilang paghahanda sa SONA ng Sambayanan 2026, hinimok ng mga lider ng iba’t ibang pananampalataya ang publiko na makiisa sa panawagan para sa mas malalim na repormang panlipunan, kabilang ang pagpapatibay ng Anti-Dynasty Law, pagbabago sa sistema ng halalan, at pagbibigay-prayoridad sa kapakanan ng mamamayan higit sa interes ng iilang makapangyarihang grupo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 6,402 total reads

 6,402 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 44,057 total reads

 44,057 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 97,893 total reads

 97,893 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 161,248 total reads

 161,248 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 229,027 total reads

 229,027 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 47,900 total reads

 47,900 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top