Walang responsible mining sa Pilipinas-ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,646 total reads

Iginiit ng Alyansa Tigil Mina (ATM) na walang umiiral na “responsible mining” sa Pilipinas, sa kabila ng pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may mga minahang sumusunod sa wastong pamantayan.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, hindi nararanasan ng mga pamayanang apektado ng pagmimina ang sinasabing responsableng operasyon ng mga kumpanya.

Sa halip, patuloy na naitatala ang mga paglabag sa batas at ang pinsala sa kalikasan at kabuhayan.

“Responsible mining is a deceptive fabrication by government and the mining industry to court public approval of mining activities. In reality, there is no such thing as responsible mining,” pahayag ni Garganera.

Sinabi ni Garganera na maraming proyekto ng pagmimina ang lumalabag sa mga umiiral na batas at regulasyon ng DENR, hindi tumutupad sa mga nakasaad sa kanilang kontrata, at nagsasagawa ng mga operasyon nang walang sapat na kaalaman at konsultasyon sa mga lokal na pamahalaan at mga apektadong komunidad.

“All these certainly point to prevalent irresponsible and destructive mining practices here in the Philippines,” ayon kay Gargarnera.

Tinukoy ng ATM ang mga kilos-protesta at pagbabarikada ng mga residente sa Dupax del Norte at Kasibu sa Nueva Vizcaya, Palawan, Sibuyan Island sa Romblon, Leyte, at Eastern Samar bilang patunay ng patuloy na pagtutol ng mga komunidad sa pagmimina.

Ayon sa grupo, kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng mga lugar na ito ang kakulangan ng tunay na konsultasyon, pagputol ng mga puno, pagpasok sa protected areas, pagkasira ng yamang-dagat at sakahan, polusyon sa pinagkukunan ng tubig, at pagkawala ng biodiversity.

Nauna nang sinabi ni Environment Secretary Juan Miguel Cuna na umiiral ang responsableng pagmimina, at mas naging epektibo ang pagbabantay sa mga minahan sa pamamagitan ng paggamit ng drones, iba pang makabagong teknolohiya, at mga ulat sa social media.

Gayunman, sinabi ng ATM na mahirap paniwalaan ang sinasabing responsableng pagmimina habang patuloy na nananawagan ng pagkilos ang mga komunidad na apektado ng pagmimina dahil sa hindi pagtugon ng DENR sa kanilang mga hinaing.

“For us, ‘responsible mining’ is a mere catchphrase invented to convince people to accept mining in their communities,” giit Garganera.

Magugunita sa ensiklikal na Laudato Si’ ang mariing pagkondena ni Pope Francis sa mapaminsalang industriya ng pagmimina na nagdudulot ng labis na paghihirap sa kalikasan at mga apektadong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 41,469 total reads

 41,469 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 146,278 total reads

 146,278 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 232,388 total reads

 232,388 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 302,522 total reads

 302,522 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 334,467 total reads

 334,467 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 162,628 total reads

 162,628 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top