Senator-judges, pinaiiwas ni Tulfo sa privilege speeches

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,469 total reads

Sa pagbubukas ng ikapitong-araw ng paglilitis, iminungkahi ni Senator-Judge Erwin Tulfo sa impeachment court na iwasan ng bawat senator-judges ang ‘privilege speeches’ na walang kaugnayan sa impeachment ni Vice President Duterte.

Giit ni Tulfo, hindi ito ang tamang-panahon at pagkakataon para pag-usapan ang iland mga usapin upang hindi na maantala ang usapin ng impeachment.

“Napansin ko po na nagagamit ang oras ng impeachment court sa pagtatanggol sa sarili ng ilan sa mga kasaman natin sa mga akusasyon. This is not the right forum and the right venue , and not the right time to explain your situation. Kung gusto niyang mag-isplika sa mga saloobin at problema, Mari nyo pong gawin yan sa labas ng oras ng impeachment,” ayon pa kay Tulfo.

Ang mungkahi ay kapwa sinang-ayunan ni Senate Presiding Officer Francis Escudero at Senate President Sherwin Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian na ang mga usapin na walang kaugnayan sa impeachment ay tatalakayin sa pagbubukas ng Senado, matapos ang State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 27.

Sa talakayan, tinalakay ng mga senator judge kasama sina Atty. Michael Poa ng depensa at Prosecutor Jose Manuel Diokno ang kahalagahan ng confidentiality and freedom of information sa usapin at sa ngalan ng transparency at accountability hindi lamang para sa reklamo laban sa Bise Presidente kundi maging sa publiko.

Fishing expedition

Ayon kay Poa, maraming dokumento ang hinihingi ng prosekusyon kaya’t dapat ay specified ang hihingin at hindi hahanapin pa lang ang ebidensya na relevant o susuporta sa akusasyon na aniya’y ‘fishing expedition’.

“Yun pong fishing expedition po, ay halimbawa, may subpoena na baka sakali meron tayong makita,” ayon naman kay Diokno.

Iginiit ni Diokno na may sapat na batayan ang kahilingan ng prosekusyon na ma-subpoena ang bank records, tax records, at mga dokumento ng Anti-Money Laundering Council o AMLC ni Vice President Duterte.

Dagdag pa ng kongresista, “Maalala po ninyo, during the hearings before the Committee on Justice, the executive director of the Anti-Money Laundering Council testified and produced documents showing that from 2007 up to the present, 6.7 billion pesos ang dumaan po sa account ni Vice President Sara Duterte.”

Binigyang-diin din niya na mahalagang masuri ang bank records, SALN, at iba pang financial documents upang matukoy kung may batayan ang alegasyon ng unexplained wealth.

Inaasahang pagbotohan ng senator-judges ang kahilingan ng prosecution, kung isu-subpoena ang mga tax at bank records na gagamiting ebidensya sa isinagawang paglilitis para sa article II sa apat na articles of impeachment o hindi maipaliwanag na yaman ng bise presidente.

Article 1 iregularidad sa paggamit ng confidential funds

Sisimulan na ng House prosecution panel ang paghaharap ng mga ebidensya kaugnay ng sinasabing iregularidad sa paggamit ng confidential funds sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Miyerkules.

Ayon kay House prosecutor at Manila Rep. Joel Chua, unang ihaharap bilang mga testigo ang direktor ng House Legislative Archive and Museum Management at dalawang branch managers ng Land Bank of the Philippines.

Sinabi ni Chua na layunin ng mga unang testigo na ilahad ang mga dokumento at rekord na may kaugnayan sa paglalabas at paggamit ng confidential funds.

Kasunod nito, inaasahang ipatatawag din ng prosekusyon ang iba pang mga testigo, kabilang si Ramil Madriaga na sinasabing bagman ni VP Sara, bilang bahagi ng presentasyon ng ebidensya.

Tinatayang nasa 13 hanggang 15 testigo ang nakalinyang iharap ng House prosecution para sa Article I ng Articles of Impeachment, na tumatalakay sa maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.

Bukas, July 21 inaasahang ihaharap ng prosekusyon si National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag- bilang pinakahuling testigo para sa article IV o grave threats sa Articles of Impeachment.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 4,451 total reads

 4,451 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 42,376 total reads

 42,376 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 96,214 total reads

 96,214 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 159,654 total reads

 159,654 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 227,436 total reads

 227,436 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 42,426 total reads

 42,426 total reads Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »
Scroll to Top