Subpoena sa bank, tax at financial records ni VP Duterte at asawa, pinayagan ng Senate Impeachment Court

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,810 total reads

Pinayagan ng Senate Impeachment Court ang kahilingan ng House prosecution na magpalabas ng subpoena para sa bank records, Anti-Money Laundering Council o AMLC records, at ilang tax records ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng pagdinig sa Article II ng Articles of Impeachment na tumutukoy sa sinasabing unexplained wealth.

Sa naging desisyon, sinabi ni Presiding Officer Francis Escudero na natugunan ng mga hinihinging dokumento ang mga requirements ng Rules of Court dahil malinaw ang mga ito at may sapat na kaugnayan sa kasong dinidinig ng impeachment court.

“After a careful examination of the records requested, the court finds that the requested documents meet the requirements set forth above. They are reasonably described, readily identifiable, prima facie relevant and material to the allegations under Article II,” ayon kay Escudero.

Pinayagan din ng korte na kunin ang ilang financial records mula 2007 hanggang 2021, ngunit nilinaw na magsisilbi lamang ang mga ito bilang batayan sa paghahambing ng idineklarang yaman ni Duterte sa kanyang kasalukuyang termino at hindi maaaring gamitin upang maghain ng panibagong impeachable offense.

Kasama rin sa inaprubahan ng impeachment court ang subpoena para sa ilang bank records ng asawa ng Bise Presidente na si Atty. Manases Carpio.

Ayon kay Escudero, “Because Philippine civil law legally merges their assets, properties and income into a single absolute community, it is a legal and mathematical impossibility to determine the respondent’s true net worth or lawful income without examining the bank accounts of her husband.”

Ayon sa korte, mahalagang masuri ang kabuuang ari-arian ng mag-asawa alinsunod sa mga umiiral na batas sa paghahain ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.

Pinaboran din ang subpoena para sa AMLC records ni Duterte, Carpio, Carpio Lawyers, at 19 na kumpanya na iniuugnay sa kanila. Gayunman, hindi isinama ang foreign currency deposits dahil nananatiling saklaw ito ng hiwalay na batas maliban kung may pahintulot ng depositor.

Samantala, inaprubahan rin ng impeachment court ang subpoena para sa ilang tax records mula sa Bureau of Internal Revenue o BIR.

Gayunman, nilinaw ng korte na ang pagpapalabas ng subpoena ay hindi awtomatikong nangangahulugan na maaaring ilabas o tanggapin bilang ebidensya ang mga dokumento kundi ay dadaan pa ang mga ito sa itinakdang legal na proseso bago mapagpasyahan kung maaari itong gamitin sa paglilitis.

Inatasan ang AMLC at BIR na magsumite ng kaukulang tugon at mga hinihinging dokumento sa impeachment court sa July 30.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 42,944 total reads

 42,944 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 147,697 total reads

 147,697 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 233,807 total reads

 233,807 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 303,941 total reads

 303,941 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 335,835 total reads

 335,835 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top