Tradisyunal na pamamahala ng mga katutubo sa pangangalaga sa biodiversity, kilalanin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,203 total reads

Ito ang panawagan ng mahigit 100 lider-katutubo at kinatawan ng iba’t ibang sektor na lumahok sa “Forest Fellowship” na isinagawa ng Indigenous Peoples and Biodiversity Coalition Philippines (IPBC PH) sa University of the Philippines Diliman National Science Complex.

Ayon kay Jill Cariño, lider-katutubong Ibaloy at coordinator ng Partners for Indigenous Knowledge Philippines, mahalaga ang gampanin ng mga katutubo sa pangangalaga sa kalikasan dahil sa kanilang kaalaman at tradisyunal na pamamaraan ng pangangalaga sa kapaligiran.

Batay sa mga pag-aaral, nasa 85 porsiyento ng Key Biodiversity Areas (KBAs) ng bansa at 75 porsiyento ng natitirang kagubatan ng Pilipinas ang matatagpuan sa loob ng mga lupang sakop ng Certificate of Ancestral Domain Titles (CADTs).

“The enduring knowledge and practices of Indigenous Peoples across the country is a tapestry of community-based solutions that have time and again proven most effective in protecting Nature,” pahayag ni Cariño.

Ipinaliwanag ni Cariño na isinusulong ng IPBC PH ang Indigenous Peoples Biodiversity Strategy and Action Plan (IPBSAP) upang palakasin ang pamamahala ng mga katutubo sa mga lugar ng konserbasyon at tiyakin ang kanilang pakikilahok bilang tagapangalaga ng biodiversity.

Batay sa 2025 State of Indigenous Peoples Address Report ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC), tinatayang 2.8 milyong ektarya ng lupain at kapaligiran sa loob ng mga teritoryo ng katutubo ang nakararanas ng alitan sa paggamit ng mga lupain dahil sa mga banta sa kagubatan at biodiversity.

Ipinaliwanag ni Leon Dulce, campaigns support and linkages coordinator ng LRC, na dapat gawing konkretong polisiya ng pamahalaan ang pagsuporta nito sa IPBSAP sa pamamagitan ng pagpapalakas ng katutubong sistema ng pamamahala sa kanilang mga teritoryo at paglalaan ng mas malaking suporta sa mga programang nakabatay sa kanilang kultura at kaalaman sa pangangalaga ng kalikasan.

Iginiit ni Dulce na dapat tiyakin ng pamahalaan ang pagpapatupad at pangangalaga sa karapatan ng Indigenous Peoples, lalo na ang kanilang Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) sa mga proyektong maaaring makaapekto sa kanilang mga lupain.

“The Philippine Government must ensure that Indigenous Peoples’ rights over their territories, especially their right to Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) be determinedly enforced, enhanced, and not compromised. Only then can we reverse the rapid extinction of flora and fauna and the collapse of the life systems on which our resilience and survival is anchored,” ayon kay Dulce.

Nakasaad sa Laudato Si’ na ang pagtatanggol sa mga katutubo at sa kalikasan ay bahagi ng paggalang sa dignidad ng tao at pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 39,941 total reads

 39,941 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 87,812 total reads

 87,812 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 191,760 total reads

 191,760 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 277,874 total reads

 277,874 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 346,091 total reads

 346,091 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 164,160 total reads

 164,160 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top