Kabataan sa Albay, nagsama-sama sa sining talakayan at voters education

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,924 total reads

Nagsama-sama ang mga kabataan sa Guinobatan, Albay para sa isang makabuluhang araw ng sining, talakayan, at voter education sa ilalim ng programang “Kabataang Mulat: Empowering Voices, Educating Voters!”

Layunin ng aktibidad na palalimin ang kamalayan ng mga kabataan hinggil sa kanilang mahalagang papel sa paghubog ng kinabukasan ng bayan sa pamamagitan ng responsable at mapanuring pakikilahok sa mga usaping pampulitika.

Ayon sa Non-Government Oganization na Kaya Natin Youth Albay na nagsilbing tagapag-organisa ng gawain, hindi sapat na maging tagapanood lamang ang mamamayan sa mga nangyayari sa lipunan sapagkat sa bawat desisyong pampulitika ay nakataya ang kinabukasan, mga pangarap, at kaligtasan ng sambayanan.

“Panahon na upang bawiin natin ang kapangyarihang matagal nang nasa ating mga kamay,” Bahagi ng pahayag ng organisayon.

Katuwang ng grupo sa pagsasagawa ng programa ang MORMS Salin Sining Creatives Production, Social Action Center (SAC) ng Diyosesis ng Legazpi, Local Youth Development Office (LYDO), KNY Camalig, Office of the 3rd District Representative, at ang LGU Guinobatan.

Binigyang-diin sa talakayan na ang boto ay hindi lamang simpleng marka sa balota kundi isang makapangyarihang kasangkapan upang maisulong ang mas maayos na edukasyon, transportasyon, at pamumuhay para sa lahat.

Hinamon din ng grupo ang mga kabataan na maging tunay na “Batang Mulat” hindi lamang sa loob ng bulwagan kundi maging sa kanilang mga tahanan, paaralan, at komunidad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng katotohanan at paghahanap ng pananagutan sa mga namumuno sa bayan.

“Huwag na nating hayaang masayang ang ating boses at kapangyarihan—ngayong nakadilat na ang ating mga mata sa katotohanan, huwag na nating hayaang pumikit,” Dagdag pa ng grupo.

Ang gawain ay nagsilbing paalala rin na ang kinabukasan ng bayan ay hindi lamang hinihintay kundi sama-samang isinusulong at binubuo ng mga mamamayang may kamalayan, pananagutan, at malasakit sa kapwa.

Isinagawa ang “Kabataang Mulat: Empowering Voices, Educating Voters!” noong Hulyo 11, 2026 sa Guinobatan, Albay bilang isang makabuluhang araw ng sining, talakayan, at sama-samang paggising ng kamalayan ng kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 40,901 total reads

 40,901 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 88,772 total reads

 88,772 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 192,720 total reads

 192,720 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 278,834 total reads

 278,834 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 347,011 total reads

 347,011 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top