Hindi maaring baguhin ang alituntunin ng impeachment proceedings para pagbigyan si Marcoleta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,245 total views

Binigyang-diin ni House Prosecution Panel Adviser at Spokesperson Robert Ace Barbers na hindi maaaring baguhin ng Senado ang mga alituntunin ng impeachment proceedings habang nagpapatuloy ang paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Barbers na kung may pagbabago man sa mga probisyon ng rules sa impeachment proceedings, kinakailangan itong aprubahan ng mayorya ng mga miyembro ng Senado at ipa-publish muna bago ito magamit na maaring magdulot ng pagkaantala ng paglilitis.

“Marami po kasing proseso, halimbawa po nagbago tayo ng mga probisyon ng ating rules sa impeachment proceedings, yan po ay pagbobotohan ng mayorya ng miyembro ng Senado at ipa-publish muna po ito bago magamit. Sa aking paniwala po kasi you cannot change the rules in the middle of the game,” Bahagi ng pahayag ni Barbers sa Radyo Veritas.

Ayon pa sa dating kinatawan ng ikalawang distrito ng Surigao del Norte, kung wala sa kasalukuyang rules ang isang probisyon, tulad ng isyung may kinalaman sa pagboto ni Senator Rodante Marcoleta kahit ito ay kasalukuyang nakakulong ay hindi ito basta maaaring idagdag habang tumatakbo na ang proseso ng impeachment court.

“Wala sa rules yan, at kung wala po sa rules yung sinasabi na pwedeng bumoto si Senator Marcoleta ay hindi na po palagay ko mababago yung probisyon ng kanilang rules,” Dagdag pa ni Barbers.

Samantala, ipinahayag ni Barbers ang paniniwala ng prosecution na hindi pa nasisira ang kredibilidad ng dalawang testigong iniharap nila sa Senado na nakapagpatibay sa kaso na grave threat ng bise presidente.

“Sa panig po ng Prosecution ako po ay naniniwala na dun sa dalawang witnesses na prinisenta natin dito sa Senado ay hindi pa po nagigiba yung kanilang kredibilidad, yung kanilang reputation, matibay pa po ang kanilang mga sinabi at in fact ito ang sa aking palagay ay nakapagbigay ng strength o ng lakas at tibay dun sa allegations of grave threat committed by the Vice President,” Ayon pa kay Barbers.

Tinalakay rin ni Barbers ang alegasyon ng unexplained wealth ni Vice President Duterte, na ayon sa prosekusyon ay maaaring maging malinaw na batayan ng betrayal of public trust kung mapatutunayan sa pamamagitan ng ebidensya partikular na ang mga bank at financial records na nakatakdang suriin ng impeachment court.

“Kapag napatunayan po dala ng mga ebidensyang ito na meron po siyang unexplained wealth o yaman na hindi niya maipaliwanag while she was in office ay yan po ay klarong betrayal of public trust, yan po ay isa sa mga grounds for an impeachable officer to be impeached or to be convicted,” Pagbabahagi pa ni Barbers.

Paliwanag ni Barbers, na ihahambing ng prosecution ang mga deklaradong yaman sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng bise presidente sa mga bank records at financial transaction records upang malaman kung may mga hindi naideklarang ari-arian o yaman.

“Kung halimbawa po mas marami yung kanilang bank records kaysa dun sa idineklarang yaman at after suriin ito nakita na may tinatago o hindi naideklara ay yan po ay another violation under the SALN Law,”
Ani Barbers.

Kaugnay naman ng alegasyon ng grave threat, iginiit ni Barbers na naniniwala ang prosekusyon na ito ay isang krimen na pinaparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code at maaaring magresulta sa paglabag sa sinumpaang tungkulin ng isang impeachable official.

“Para po sa amin sa Prosecution yun pong Grave Threat ay pinaparusahan under the Revised Penal Code, meron pong krimen ito eh, this is a criminal act… you have already betrayed the public trust by issuing a statement na ipapapatay mo ang ating pangulo,” Pagtatapos ni Barbers.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 7,361 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 23,921 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 49,818 total views

 49,818 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 121,850 total views

 121,850 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 153,132 total views

 153,132 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 185,148 total views

 185,148 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 334,739 total views

 334,739 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 6,049 total views

 6,049 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top