Tungkulin ni Cardinal Tagle bilang dean ng College of Cardinals, ipinaliwanag ng Radio Veritas correspondent sa Rome

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,976 total reads

Ipinaliwanag ni Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang bagong tungkulin ni Cardinal Luis Antonio Tagle bilang Dean ng College of Cardinals.

Sa kanyang ulat bilang Vatican Correspondent ng Radio Veritas, tinalakay ni Fr. Gaston ang kahalagahan ng bagong responsibilidad na ipinagkatiwala kay Cardinal Tagle na isang tungkuling inaprubahan ni Pope Leo XIV matapos ang halalan ng mga kardinal noong Oktubre 8, 2026.

Ayon kay Fr. Gaston, maaaring mapagkamalan ng ilan na ang College of Cardinals ay isang paaralan o unibersidad, gaya ng karaniwang pagkaunawa sa salitang “college” sa Pilipinas.

Paliwanag ng Pari, ang College of Cardinals ay isang grupo ng mga kardinal na may mahalagang papel sa buhay at pamumuno ng Simbahang Katolika at may magkakaugnay na tungkulin sa pamamahala at buhay ng Simbahan.

“Hindi po, dito kasi sa Europe, ‘pag sinabi mong college, isang collection kumbaga, ‘no, pareho ‘yung root word na ‘yan sa Latin, college, collection, isang community o isang grupo ng mga tao with a certain function, with a certain role.” Ani Fr. Gaston.

Ipinaliwanag din ni Fr. Gaston ang pagkakaiba ng College of Cardinals sa Pontificio Collegio Filipino, kung saan naninirahan ang mga paring Pilipino na nag-aaral sa mga unibersidad sa Roma.

“Kasi collegio ay tahanan, tirahan ng mga kaparian natin. May formation din dito, ongoing formation, spiritual direction, mga retreats, recollection, kasi hindi siya college na kagaya diyan sa Philippines na tinatawag natin na college na eskwelahan, na paaralan, university. Hindi.” Paliwanag ni Fr. Gaston.

Sa ganitong paraan, nilinaw ni Fr. Gaston na ang College of Cardinals ay hindi institusyong pang-edukasyon kundi isang grupo ng mga kardinal na may mahalagang papel sa buhay at pamumuno ng Simbahang Katolika.

Pagbabahagi ng Pari, pangunahing tungkulin ng Dean ng College of Cardinals ang pag-uugnay sa mga kardinal at pangangasiwa sa ilang mahahalagang pagpupulong, lalo na kapag kinakailangang magtipon ang College of Cardinals.

“Ang Dean ay coordinator, coordinator. Kasi din sa mga school, ‘yung Dean siya nagkokoordinasyon ng mga professors. So ganun din, among the cardinals nagkokoordinasyon.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Kabilang sa mahahalagang responsibilidad ng Dean ng College of Cardinals ang pagpupulong sa mga kardinal kapag nabakante ang Apostolic See at ang pangunguna sa proseso ng conclave, alinsunod sa mga tuntunin ng Simbahan.

Gayunman, nilinaw ni Fr. Gaston na hindi nangangahulugan ang pagiging Dean na may kapangyarihan ang isang kardinal na mag-utos sa kanyang mga kapwa cardinal, kung saan ang tungkulin ay higit na nakatuon sa paglilingkod at koordinasyon kaysa sa kapangyarihan o katanyagan.

Para kay Fr. Gaston, ang bagong tungkulin ni Cardinal Tagle ay pagkakataon upang higit na maipakita ang kahulugan ng pamumuno bilang paglilingkod sa Simbahan.

“Well, kung tutuusin, power, the power to serve, ‘no, the power to serve. Sana ‘yan ang laging nating ma-alala. At tayo din, kung may power tayo, hopefully the power to serve.” Ani Fr. Gaston.

Muli namang hinikayat ni Fr. Gaston ang mga mananampalataya na patuloy na samahan sa panalangin si Pope Leo XIV sa patuloy nitong ganap na pagpapagaling matapos na makalabas ng ospital kasunod ng kanyang matagumpay na operasyon sa baga noong October 13, 2026.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 22,561 total reads

 22,561 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 48,541 total reads

 48,541 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 118,955 total reads

 118,955 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 205,471 total reads

 205,471 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 248,493 total reads

 248,493 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 296,323 total reads

 296,323 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 22,562 total reads

 22,562 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top