Trust rating ng pangulo ng Pilipinas, bumababa habang tumatagal sa panunungkulan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,949 total reads

Ipinaliwanag ni Social Weather Stations (SWS) Director of Communications and Information Technology Leo Laroza na normal ang pagbaba ng trust rating ng isang pangulo habang tumatagal ito sa panunungkulan.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Laroza na karaniwan ding nakikita ang pagbaba sa satisfaction rating ng isang administrasyon habang lumilipas ang panahon.

“Tungkol po sa Trust Rating, sa isang presidente po typically habang tumatagal sa kanyang panunungkulan, sa kanilang administrasyon normal po na may pagbaba, nangyayari rin po yan sa satisfaction rating so normal po yan,” Bahagi ng pahayag ni Laroza.

Ayon sa opisyal ng SWS, malaking salik din ang uri ng impormasyong natatanggap ng mga mamamayan sa paghubog ng kanilang pananaw sa Pangulo.

Gayunman, aminado si Laroza na hindi madaling matukoy ng isang ordinaryong mamamayan kung ang isang impormasyon ay fake news na walang katotohanan o hindi.

“Pagdating naman po sa information, yes malaking factor po yung uri ng information na nakukuha ng ating mga kababayan. Ngayon kung pagdating po sa pagiging fake news po ito o hindi, hindi na po masyadong nadi-determine ng isang reader yan kung fake ba ang nababasa niya o hindi,” Dagdag pa ni Laroza.

Paliwanag ni Laroza, kahit malaman ng isang tao na peke ang isang impormasyon, may kanya-kanya pa rin itong paraan ng pagproseso ng naturang impormasyon upang makabuo ang sariling opinyon tungkol sa Pangulo.

Tinalakay rin ng opisyal ng SWS ang pagkakaiba ng opinyon ng mga mamamayan batay sa lokasyon, partikular ang pagitan ng Metro Manila at mga lugar sa labas nito.

“Yung tungkol po sa distribution, tama malaki rin yung pagkakaiba per area kung kaya’t makikita na may kaibahan po talaga kung minsan ang opinion na nanggagaling sa sentro sa Metro Manila compared sa outside of Metro Manila,”
Ani Laroza.

Sa kabila ng iba’t ibang salik na maaaring makaapekto sa trust rating, binigyang-diin ni Laroza na ang malinaw na ipinapakita ng survey ay ang normal na pagbaba ng trust rating habang mas tumatagal ang isang pangulo sa kanyang administrasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 44,380 total reads

 44,380 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 149,098 total reads

 149,098 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 235,209 total reads

 235,209 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 305,342 total reads

 305,342 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 337,160 total reads

 337,160 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top