Bagong Obispo ng Urdaneta, isinuko ang sarili sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,366 total views

Hinimok ni Nueva Segovia Archbishop David William Antonio ang bagong inordinahang si Urdaneta Bishop Nick Argel Vaquilar na pamunuan ang Simbahan bilang isang pastol na ganap na nakatalaga kay Hesukristo, nakaugat sa panalangin, at handang makinig at makilakbay kasama ang sambayanan ng Diyos.

Tiniyak naman ng bagong obispo ang kanyang buong pagtugon sa tawag ng Panginoon, sa kabila ng pakiramdam niyang hindi siya karapat-dapat sa tungkulin.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa episcopal ordination ni Bishop Vaquilar na ginanap sa Saint Augustine Parish–Archdiocesan Shrine of Our Lady of Charity sa Bantay, Ilocos Sur, kung saan binigyang-diin ni Archbishop Antonio na ang pagiging obispo ay hindi nagsisimula sa awtoridad kundi sa pagiging alagad ni Kristo.

Ayon sa arsobispo, ang napiling episcopal motto ni Bishop Vaquilar na “Domine, Tuus Sum” o “Lord, I am Yours” ay sumasalamin sa ganap na pagsuko ng sarili sa Panginoon, na pundasyon ng tunay na paglilingkod bilang pastol ng Simbahan.

“Before a bishop belongs to a diocese, he belongs first of all to Jesus Christ. Before he can shepherd others, he must first be a disciple who has learned to declare every day of his life: Domine, Tuus Sum—’ Lord, I am Yours,’ ayon kay Archbishop Antonio.

Paliwanag ng arsobispo na ang malawak na karanasan ni Bishop Vaquilar bilang seminary formator ay naghanda sa kanya upang maging unang tagapaghubog ng lokal na Simbahan sa pamamagitan ng paggabay sa mga pari, relihiyoso, pamilya, kabataan at lahat ng mananampalataya.

Kasabay nito, iginiit ni Archbishop Antonio na ang isang obispo ay dapat mamuno ayon sa diwa ng synodality, isang Simbahang naglalakbay nang magkakasama.

“The bishop in a synodal Church does not walk ahead as one who possesses all the answers, nor walk behind as one reluctant to lead. Rather, like the Risen Lord on the road to Emmaus, he walks with God’s people—listening before speaking, discerning before deciding, teaching without ceasing to learn, and leading while remaining a fellow pilgrim,” dagdag ng arsobispo.

Binigyang-diin din ng arsobispo na ang pangunahing tungkulin ng isang obispo ay manatiling malapit sa Diyos.

“The bishop’s first ministry is not administration; his first ministry is contemplation,” dagdag pa ni Archbishop Antonio.

Dagdag pa ni Archbishop Antonio, nararapat lamang na ang bawat pasya ng mga pastol ng Simbahan ay nagmumula sa panalangin at sa Ebanghelyo.

Paalala rin ng arsobispo na ang isang obispo ay hindi tinatawag upang maghari kundi upang maglingkod.

“The bishop is not called to own the Church, but to serve her. He is called not to dominate, but to accompany. He is called not to create followers or loyalists for himself, but to form disciples for Jesus Christ,” paliwanag ng arsobispo.

Aniya, ang tunay na pamumunong Kristiyano ay nakaugat sa pagmamahal kay Kristo at hindi lamang sa kakayahan o awtoridad.

Samantala, sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Bishop Vaquilar ang kanyang personal na pagninilay hinggil sa salitang Ilokanong “wen” o “oo” na madalas napapalitan sa kanyang cellphone ng salitang “when”, na naging inspirasyon sa kanyang pag-unawa sa kanyang bokasyon.

Ayon sa obispo, natutuhan niyang ang Diyos ang naghahanda sa mga taong Kanyang tinatawag.

“He does not choose us because we are capable. He makes us capable because He has chosen us,” ayon kay Bishop Vaquilar.

Inilarawan ni Bishop Vaquilar ang simpleng karanasan bilang paalala na huwag hayaang mapalitan ng pag-aalinlangan ang ganap na pagtugon sa Panginoon.

“Perhaps this little autocorrect mistake is a spiritual reminder for me not to allow my ‘yes’ to become a ‘when,’ not to postpone generosity, trust, or surrender to the Lord,” aniya.

Binigyang-diin ni Bishop Vaquilar na ang paglilingkod bilang obispo ay nakasalalay sa ganap na pagtitiwala sa Diyos.

Tiniyak din ng bagong pastol ang kanyang buong pagtanggap sa misyong ipinagkaloob sa kanya para sa Diocese of Urdaneta kasabay ng kahilingang ipanalangin ang pagsisimula ng kanyang mga gawaing pagpapastol sa diyosesis.

“The Diocese of Urdaneta is now my home. I go not because I am worthy, but because God has called me. Please pray for me. Pray that every day of my episcopal ministry I may continue to say ‘wen,’ and never ‘when,’ to the Lord,” dagdag ng bagong obispo.

Pinangunahan ni Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo ang ordinasyon, katuwang sina Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta at Urdaneta Bishop Emeritus Jacinto Jose.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 7,138 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 23,693 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 49,475 total views

 49,475 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 121,530 total views

 121,530 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 152,812 total views

 152,812 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 184,828 total views

 184,828 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 334,449 total views

 334,449 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top