SONA ng Sambayanan 2026, isasabay sa SONA ni PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,023 total reads

Iginiit ni Bishop Efraim Tendero, Global Ambassador ng World Evangelical Alliance, na layunin ng SONA ng Sambayanan 2026 na maiparating ang tunay na kalagayan at hinaing ng mamamayan kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Ayon kay Tendero, ang SONA ng Sambayanan ay hindi isang pagkilos upang maghasik ng kaguluhan o pagkakahati-hati, kundi isang mapayapang pagkakataon upang marinig ang boses ng mga ordinaryong Pilipino mula sa iba’t ibang sektor at panig ng bansa.

“Ang SONA ng Sambayanan ay ang pagpapahayag ng mga tao para sa kanilang kalagayan, para sa kanilang pagnanasa, para sa kanilang kahilingan, para sa magandang kinabukasan ng ating bayan. Hindi ito panggulo, hindi ito pagkakahati-hati, kundi nagkakaisa tayo na ipahayag ang ating damdamin at ang tunay na kalagayan ng ating lipunan,” pahayag ni Tendero sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi ng Evangelical Bishop na mahalagang mailahad ang kalagayan ng mga nasa kanayunan, mga maralitang pamilya, manggagawa, at iba pang sektor na patuloy na nakararanas ng kahirapan at kakulangan sa batayang serbisyo.

Aniya, ang panawagan ng SONA ng Sambayanan ay hindi lamang para sa Metro Manila kundi para sa lahat ng komunidad sa buong bansa.

Kasabay nito, hinimok ni Tendero ang mamamayan na samahan ng panalangin ang kanilang paninindigan upang gabayan ng Diyos ang mga namumuno at maisulong ang mabuting pamamahala.

“Lumapit tayo sa Diyos, manalangin, at hingin ang Kanyang gabay at patnubay upang ang mga namamahala sa atin ay gampanan ang kanilang tungkulin, masansala ang kasamaan, at mabigyang pagkilala ang gumagawa ng mabuti,” ani Tendero.

Binigyang-diin din ng opisyal ng World Evangelical Alliance na ang pamumuno at politika ay isang pananagutang nakatuon sa paglilingkod at hindi sa pansariling interes.

“Ang ating pamamahala at ang politika ay hindi hanapbuhay, ito ay nagbibigay-buhay. Ang ating panawagan ay mamuhay tayo nang may dangal, kaayusan, katarungan, at kapayapaan sa ating bayan, bunga ng pagkatakot sa Diyos at pagmamahal sa kapwa at sa Pilipinas,” dagdag ni Tendero.

Ang nakatakdang SONA ng Sambayanan ay pangununahan ng Inter-Religious Leaders’ Council for National Transformation (IRLCNT) at White Ribbon Movement (WRM).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 3,936 total reads

 3,936 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 41,916 total reads

 41,916 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 95,754 total reads

 95,754 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 159,225 total reads

 159,225 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 227,007 total reads

 227,007 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 47,801 total reads

 47,801 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top