Hindi sapat na bahagi lamang ng buhay ng tao si Hesus, kundi dapat siya ang sentro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,453 total views

Hinimok ng Canadian theologian at co-founder ng Catholic Christian Outreach (CCO) na si André Regnier ang mga mananampalataya na huwag manatili sa kaalamang pangkaisipan si Hesus kundi magpasya ng personal na tugon ng pananampalataya sa pamamagitan ng paglalagay kay Kristo bilang sentro ng kanilang buhay.

Sa bahagi ng Prayer Pathways sa unang araw ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII), ipinaalala ni Regnier na bagama’t mahalagang maunawaan ang katauhan ni Hesus at ang Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi sapat ang paghanga o paniniwala mula sa malayo upang magkaroon ng tunay na ugnayan sa Panginoon.

“It is essential that we understand who Jesus is and what He has done for us. But knowing these truths intellectually is not enough. Simply believing them from a distance is not enough,” Bahagi ng pahayag ni Regnier.

Upang higit na maipaliwanag ang kahalagahan ng personal na pagtugon sa paanyaya ni Kristo, ibinahagi ni Regnier ang karanasan noong araw ng kanyang kasal kung saan hindi naging ganap ang kanilang tipan ng kanyang asawa hangga’t hindi nito naipapahayag ang salitang “I do” sa ilalim ng sakramento ng kasal.

Ayon kay Regnier, tulad ng pag-aasawa, nangangailangan din ng malayang pagtugon ang pakikipagkaibigan kay Hesus.

“Jesus has already offered us His friendship. The question is: Will we say yes?” Dagdag pa ni Regnier.

Hinamon din nito ang mga dumalo na suriin ang kanilang espirituwal na kalagayan sa pamamagitan ng pagtatanong kung si Hesus ba ay bahagi lamang ng kanilang buhay o tunay nang nasa pinakasentro nito.

“I’m not asking whether you’re a perfect Christian. I’m asking something much deeper. Where is Jesus in your life? Is He simply a part of your life? Or is He truly at the centre of your life?” Ayon pa kay Regnier.

Binigyang-diin din ni Regnier ang pahayag ni Pope Benedict XVI na nagsasabing walang mawawala sa sinumang magbubukas ng kanyang puso kay Kristo kundi sa halip ay matatanggap ang ganap na buhay.

“If we let Christ into our lives, He takes nothing away, and He gives you everything… Open wide the doors to Christ, and you will find true life,” pagbabahagi niya mula sa turo ng dating Santo Papa.

Kasunod nito ay inimbitahan ni Regnier ang mga kalahok na personal na ialay ang kanilang buhay sa Panginoon sa pamamagitan ng Prayer of Commitment, kung saan sama-samang idinalangin ang pagtanggap kay Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng kanilang buhay.

Nagtapos ang sesyon sa pamamagitan ng tahimik na panalangin at paghingi ng panibagong paggabay ng Espiritu Santo, habang paulit-ulit na inaanyayahan ang mga kalahok na manalangin ng, “Come, Holy Spirit,” bilang panawagan ng patuloy na pagbabagong-loob at mas malalim na pakikipagkaisa kay Kristo.

Isinasagawa ang Prayer Pathways bilang isa sa mga pangunahing espirituwal na gawain ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na naglalayong akayin ang mga mananampalataya tungo sa mas malalim na personal na pakikipagtagpo kay Hesukristo at panibagong sigla sa misyon ng ebanghelisasyon.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 6,903 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 23,437 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 49,049 total views

 49,049 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 121,124 total views

 121,124 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 152,406 total views

 152,406 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 184,422 total views

 184,422 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 334,076 total views

 334,076 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 5,964 total views

 5,964 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top