Samar Bishops, nanindigan laban sa mining operation sa Eastern Samar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,871 total reads

Nagkaisa ang tatlong obispo ng Samar Island sa pagsuporta sa panawagan ng Diocese of Borongan na tutulan ang mga aktibidad ng pagmimina sa Eastern Samar sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga resolusyon ng mga lokal na pamahalaan.

Sa inilabas na Letter of Endorsement, buong pusong inendorso ng Samar Island Partnership for Peace and Development (SIPPAD) ang pastoral position statement ng Diocese of Borongan na nananawagan sa mga Municipal at Barangay Council ng Giporlos at Balangiga na tutulan ang pagmimina sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon sa SIPPAD, ilang dekada nang nasasaksihan ng mga mamamayan ng Samar ang pangmatagalang epekto ng pagmimina sa kalikasan, kabuhayan, at mga pamayanan.

“The experiences of Homonhon, Manicani, and other areas where mining has been undertaken or proposed remind us that decisions regarding our natural resources have lasting consequences for ecological integrity, food security, and the well-being of present and future generations,” ayon sa SIPPAD.

Binigyang-diin ng grupo na patuloy na dumarami ang mga exploration permit at interes sa pagmimina sa mainland Samar kaya kinakailangan ang mapanuring pakikilahok ng publiko at responsableng pamumuno ng mga lokal na opisyal.

Iginiit din ng SIPPAD na ang tunay na kaunlaran ay hindi lamang nasusukat sa kita kundi sa pangangalaga sa tao, kalikasan at katarungan.

“Development should never come at the expense of human dignity or the integrity of creation. True progress is measured not only by economic gains but also by the protection of communities, ecological sustainability, and peace founded on justice,” saad ng grupo.

Dahil dito, hinikayat ng SIPPAD ang mga municipal at barangay council sa buong Samar Island na gamitin ang kanilang kapangyarihan upang magpatibay ng mga patakarang mangangalaga sa kapaligiran at kapakanan ng mga mamamayan.

Nanawagan din ang grupo sa lahat ng sektor na magsulong ng isang uri ng kaunlarang magtitiyak ng malilinis na ilog, protektadong kagubatan, masaganang pangisdaan, produktibong sakahan, at ligtas na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

Ang liham ng pag-endorso ay nilagdaan nina Calbayog Bishop Isabelo Abarquez, Borongan Bishop Crispin Varquez, at Catarman Bishop Nolly Buco bilang pagpapakita ng pagkakaisa ng Simbahan sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 3,635 total reads

 3,635 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 41,632 total reads

 41,632 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 95,470 total reads

 95,470 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 158,951 total reads

 158,951 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 226,737 total reads

 226,737 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 47,787 total reads

 47,787 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top