181 total views
Naniniwala ang isang Obispo na mababawasan ang kriminalidad kapag ipinatuapd ang “liquor ban” nationwide.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, bukod sa makakaiwas sa bisyo ay magandang hakbang ang liquor ban upang matigil ang iba’t-ibang krimen sa lipunan may kaugnayan sa pag-iinom ng alak.
Tinukoy din ni Bishop Cabantan na magandang hakbangin ni President elect Duterte ang pagpapatupad ng “ nationwide smoking ban” para sa kalusugan ng mga mamamayan.
“Liquor ban at certain time could be one way to controlling vices and deter crimes arising from so much drinking. It’s good for the health also.”pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.
Nabatid na noong 2012, naitala ng World Health Organization sa 3.3-milyong tao ang namatay sa buong mundo dahil sa sobrang pag-inom ng alak na nagdulot sa kanila ng ibat-ibang karamdaman.
Lumabas din sa pag-aaral ng National Data on the Prevalence of Alcohol Involvement in Crime sa Amerika na 40-porsiyento ng mga bilanggo ay nakagawa ng krimen habang sila ay nasa impluwensiya ng alak.