195 total views
Nanindigan si Diocese of Marbel South Cotabato Bishop Dinualdo Gutierrez na hindi dapat ibalik ang death penalty sa bansa na balak pairalin ni presumptive president elect Rodrigo Duterte.
Ayon kay Bishop Gutierrez, ang buhay ay pagmamay – ari ng Diyos at tanging ang Diyos lamang ang may karapatan na kunin ito.
Nanawagan rin ito na kinakailangan na idaan sa tamang “due process” ang mga nagkasalang kriminal at kung mapatunayang nagkasala sa hukuman ay tulungan na i – rehabilitate o bigyan ng pagkakataong pagsisihan ang nagawang kasalanan para makapagbagong buhay.
Giit pa nito na mainam na ipaalala kay Duterte ni Kingdom of Jesus Christ pastor Apollo Quiboloy na ang buhay ng tao ay sagrado.
“The same, ‘Thou shall not kill,’ life is precious, life comes from God only God can take away life. So what should we do hardened criminals, due process if you have evidence file it in the court. Pag na condemned na ilagay sa presuhan and while in prison i – rehabilitate. Anyway his spiritual adviser, Quiboloy, then they should bring them their pastors and help the criminals be converted and improve themselves,” bahagi ng pahayag ni Bishop Gutierrez sa panayam ng Radyo Veritas.
Sa ulat ng Amnesty International noong 2015 dumami ang mga binitay na bilanggo sa buong mundo dahil sa krimen na kanilang nagawa.
Umabot sa 1,634 ang bilang ng mga binitay noong 2014 na halos mula sa bansang Iran, Saudi Arabia at Pakistan.
Magugunitang tinanggal ang death penalty sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria – Macapagal Arroyo noong 2006.