Land distribution sa mga magsasaka,tugon sa problema ng kagutuman sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 681 total views

Kumpiyansa si Philippine Network of Food Security Programmes, Incorporated Executive Director Sharlene Lopez na mawawakasan lamang ang kagutuman sa bansa sa pamamahagi ng lupang sakahan sa mga magsasaka.

Tiwala din si National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza na matatapos ang kagutuman kung wawakasan ang laganap na kahirapan.

Kapwa naniniwala si Maza at Lopez na kung maisasabatas ang Housebill 555 o Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) at gagawing prayoridad ng gobyerno ang pagtulong sa mga magsasaka ay mabilis na matutugunan ang kagutuman.

Inihayag ni Lopez na dahil sa kawalan ng lupang taniman sa probinsya kaya napipilitan ang mga magsasaka na magtungo sa Maynila na wala namang trabahong mapapasukan.

Iginiit ni Lopez na ang kawalan ng “job opportunities” sa mga lalawigan ang dahilan ng tumataas pang bilang ng mga nagugutom at naghihirap sa bansa.

Naninindigan naman si Maza na matatapos na ang nararanasang kagutuman kapag naisaayos ng pamahalaan ang mga patakarang pang-ekonomiya.

Tinukoy ni Maza ang kahalagahan na maisakatuparan na ang repormang agraryo at mapasakamay na ng mga magsasaka ang lupa na may kasamang suporta o support services.

Ito ang tugon ni Maza at Lopez sa survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan naitala ang 11.9-porsiyento o katumbas ng 2.7-milyon ng pamilyang Filipino ang dumaranas ng gutom sa unang quarter ng taong 2017.

Una nang isinusulong ng Kanyang Kabanalan Francisco sa United Nations World Food Program na gawing prayoridad ang kampanya na “Zero Hunger” na siyang tatapos sa suliranin ng kagutuman sa buong mundo sa taong 2030.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 186,330 total views

 186,330 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 208,440 total views

 208,440 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 280,045 total views

 280,045 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 269,081 total views

 269,081 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 211,814 total views

 211,814 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top