Solo parents, dapat igalang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 644 total views

Dapat igalang at papurihan ang mga “solo parent”.

Ito ang pahayag ni Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs sa usapin ng pagiging solo parent ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na ginawang biro ni Senador Vicente Sotto III sa pagdinig ng Commission on Appointment.

“Ang isang value doon…anak yan and may respeto tayong ibibigay doon sa magulang niyan, pati doon sa anak dahil hindi niya kasalanan yun. Pati sa babae na nanganak …single parent respect should also be accorded to that one. Kasi kung pupuntahan mo naman ang teaching ng Amoris Laetitia (The Joy of Love) wala doong condemnation. In fact, yung mga ganitong set-up tinutulungan ng simbahan. The church journeys with his people, help them by means of spiritual intervention,” paliwanag ni Fr. Secillano sa panayam ng Radio Veritas

Ang pahayag ni Sotto ay umani ng negatibong komento sa social media sa kabila ng kanyang paghingi ng paumanhin.

Ipinaliwanag ni Father Secillano na ang paggalang sa mga solo parent ay hindi nangangahulugang dina-downplay mo ang sanctity of marriage.
Aminado naman si Father Secillano na kabilang sa dapat bigyan tugon ng simbahan at gobyerno ang pagbibigay ng edukasyon hinggil sa usapin ng pre-marital sex na naging dahilan ng pagiging single parent.

“That is a fact or a reality that we have to contend with so. Despite marriage perse but let just focus on the other side of it that we need to respect also all those who are single parents …born out of wedlock,” ayon kay Fr. Secillano

Kaugnay nito, naninindigan si National Anti-Poverty Commission chairman Liza Maza na hindi hindi dapat maliitin ang mga taong mag-isang nagtataguyod ng pamilya sapagkat taglay nila ang katapangan at determinasyon ng isang ama’t ina.

Sa tala umaabot sa 13.9 milyong Filipino o 15 porsiyento ng kabuuang populasyon ng bansa ang solo parent o mag-isang nagtataguyod ng kanilang pamilya.

Sa bisa naman ng Solo Parent’s Welfare Act of 2000 o RA 8972 ay nakakatanggap ng ayuda ang mga solo parent tulad ng flexible work schedule, no work discrimination, at parental leave na may kaukulang bayad at mandatory allowances sa loob ng isang taon.

Una nang nagpakita ng paghanga ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga single parent dahil sa katatagan na kanilang ipinamamalas at naniniwalang gagantimpalaan sila ng Diyos sa hinaharap.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 9,789 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 9,895 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 72,808 total views

 72,808 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 142,387 total views

 142,387 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 173,671 total views

 173,671 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 205,684 total views

 205,684 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 354,273 total views

 354,273 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 9,791 total views

 9,791 total views Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »
Scroll to Top