Walang dapat ipagdiwang sa pagkakapasa ng Anti-Political Dynasty bill sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 158 total views

Walang dapat ipagdiwang ang publiko sa ipinasa ng Kamara de Representantes na panukalang Anti-Political Dynasty Bill.

Ito ang iginiit nina Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña at Caloocan Rep. Edgar Erice sa panayam ng programang Veritasan sa Radyo Veritas.

Ayon kay Cendaña, ang House Bill 8389 ay hindi tunay na anti-political dynasty measure kundi isang panukalang magpapahintulot pa rin sa pananatili ng mga political dynasty sa bansa.

“Ang sinasabi ng konstitusyon ay prohibition. Ibig sabihin, ipagbawal, wakasan, tapusin. Pero ang ginawa nga po ay pinayagan ang mga political dynasty sa panukalang batas na ito,” ayon sa mambabatas.

Sa huling araw ng plenaryo sa Kamara, pinagtibay sa botong 267 na pabor, 20 tutol at 7 abstention ang HB 8389 na pangunahing inakda nina House Speaker Faustino Dy III at House Majority Leader Alexander Marcos, kasama ang suporta ng 159 na co-authors.

Ayon sa panukala, saklaw nito ang pagbabawal sa mga mag-asawa at kamag-anak hanggang ikalawang antas ng pagkakamag-anak o affinity na sabay na humawak o tumakbo sa mga halal na posisyon sa iisang hurisdiksyon.

Paliwanag ni Cendaña, sakaling maging batas ang panukala ay maari pa ring na sa isang probinsya na ang gobernador ay ang tatay, at maari pa ring maging alkalde ang apat nitong anak o kamag-anak sa iba’t ibang bayan.

“Maari din na may tatay na senador, at may gobernor sa tatlong probinsya sa Pilipinas na anak, o kaya sa House of Representatives, maaring tatlong magkakapatid ang kongresista lahat sa iba’t ibang Distrito, probinsya o kaya ay may pang-apat pa na nasa partylist. So, ganun pa rin.”

Kasama dito, ang mga pambansa at lokal na halal na posisyon kabilang ang pagkapangulo, pangalawang pangulo, Senado, Kamara de Representantes, mga pamahalaang panlalawigan, lungsod at munisipalidad.

Para naman kay Erice, sa halip na sugpuin ang political dynasty ay lalo pa itong pinapalawig ng panukala.

Naniniwala si Erice na malabong magkasundo ang Senado at Kamara sa kani-kanilang bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill dahil sa malaking pagkakaiba ng mga probisyon nito. Aniya, posibleng hindi na umusad pa ang panukala sa bicameral conference committee.

“Hindi magkakasundo, matutulog na lang ‘yan (HB8389) doon,” ayon kay Erice.

Kumpiyansa din ang kongresista na bagama’t makapasa sa Kongreso ang panukala ay hindi naman ito papasa sa Korte Suprema.

“Dahil, maliwanag sa parameters ng isang anti-political dynasty law, according to the framers of the 1987 Constitution. Dapat, number 1 it will provide equal access and opportunities to the ordinary Filipinos. Pangalawa it should prevent political monopoly,” ayon pa kay Erice.

Kabilang sina Cendaña at Erice sa 20 mambabatas na bumoto laban sa panukala. Kasama rin sa mga tumutol sina ML Party-list Rep. Leila de Lima, Kabataan Party-list Rep. Renee Co, Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago, ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 55,524 total views

 55,524 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 64,888 total views

 64,888 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 91,344 total views

 91,344 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 139,752 total views

 139,752 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 141,007 total views

 141,007 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top