Mga katutubo, nakikiisa sa World Environment day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,565 total reads

Binigyang-diin ni Fr. Edwin Gariguez, convenor ng Protect Verde Island Passage Network at Executive Director ng Social Action Center ng Diocese of Calapan, ang pakikiisa sa mga katutubo sa pagdiriwang ng World Environment Day.

Sa kanyang mensahe, kinilala ni Fr. Gariguez ang mahalagang tungkulin ng mga katutubo sa pangangalaga sa kalikasan, lalo na sa kanilang likas na kaalaman at matagal nang ugnayan sa kalikasan sa kanilang mga lupaing ninuno.

“On this World Environment Day, we stand in solidarity with Indigenous Peoples, recognizing their inherent rights to their ancestral domains, their wisdom in caring for the Earth, and their vital role as advocates for the Rights of Nature and ecological justice,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Iginiit ng pari na mahalagang kilalanin ang ambag ng mga katutubo sa pagsusulong ng katarungang pangkalikasan, lalo na sa gitna ng lumalalang banta sa mga mahahalagang likas na yaman at sistema ng kalikasan sa bansa.

Hinimok din niya ang mas malawak na pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan at pagkilala sa karapatan ng kalikasan bilang bahagi ng mas malawak na adbokasiya para sa katarungang pangkalikasan.

Binigyang-diin ni Fr. Gariguez na hindi maaaring ihiwalay ang pangangalaga sa kalikasan sa karapatan at kapakanan ng mga komunidad na matagal nang nagsisilbing tagapangalaga ng kapaligiran.

Nauna nang nanawagan si Fr. Gariguez ng mas malalim na pananagutan sa kalikasan sa pamamagitan ng ecological justice at integral ecology, kung saan binibigyang-halaga ang ugnayan ng tao, kalikasan, at kabutihang panlahat.

Ang World Environment Day, na ipinagdiriwang tuwing Hunyo 5, ay itinatag ng United Nations noong 1972 bilang pandaigdigang plataporma para sa pagsusulong ng kamalayan at pagkilos sa pangangalaga ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,071 total reads

 38,071 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 88,469 total reads

 88,469 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,340 total reads

 136,340 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,288 total reads

 240,288 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,430 total reads

 324,430 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,122 total reads

 166,122 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top