Pamumutol ng SMC ng mga punongkahoy sa Quirino avenue, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,205 total reads

Mariing kinondena ng Laudato Si’ Movement Pilipinas (LSM Pilipinas) ang pagputol ng mga puno sa Quirino Avenue at Roxas Boulevard sa Maynila kaugnay ng Southern Access Link Expressway (SALEX) project ng San Miguel Corporation (SMC), kasabay ng panawagan para sa agarang pagtigil ng mga gawaing nakaaapekto sa kalikasan.

Nakipagkaisa ang LSM Pilipinas sa Caritas Philippines at iba pang civil society organizations sa paggiit na ang malawakang pag-alis ng mga puno ay isang seryosong usapin ng pangangalaga sa kapaligiran at karapatang pangkalikasan.

Binigyang-diin ng grupo na ang mga punong tinanggal at nakatakda pang alisin, na bahagi ng 617 orihinal na inaprubahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng balanseng ekolohiya sa lungsod ng Maynila.

“The massacre of the aforementioned trees is an act against the tender and affectionate love of God for them which we strongly denounce,” pahayag ng LSM Pilipinas.

Ayon sa LSM, ang mga puno sa kahabaan ng Quirino Avenue at Roxas Boulevard ay nakatutulong sa biodiversity, pagsipsip ng carbon emissions, pagpapababa ng init sa lungsod, pagpapabuti ng kalidad ng hangin, at pagbibigay proteksyon laban sa pagbaha.

Iginiit ng grupo na ang patuloy na pagputol ng mga puno ay dapat tingnan hindi lamang bilang usaping pang-imprastruktura kundi bilang usaping may direktang epekto sa kalikasan, kalusugan ng publiko, at kalidad ng buhay sa lungsod.

Nanawagan din ang LSM Pilipinas sa SMC, DENR, Pamahalaang Lungsod ng Maynila, at pambansang pamahalaan na suriin muli ang mga proyekto na may malawakang epekto sa kalikasan at tiyaking may mas bukas na konsultasyon sa mga apektadong sektor.

“We call on SMC, the DENR, the Local Government of Manila, the Philippine National Government and all people of goodwill, to respect and uphold the rights of every tree, of every creature, and to promote the legal Rights of Nature,” ayon sa grupo.

Kasabay nito, binigyang-pansin din ng grupo ang panawagan ng kabataan at environmental advocates na isulong ang mas matibay na pananagutan at pangangalaga sa mga natitirang luntiang espasyo sa mga lungsod.

Nanindigan ang LSM Pilipinas na ang tunay na pag-unlad ay hindi dapat nakabatay sa kapinsalaan ng kalikasan, kundi sa balanseng pag-unlad na isinasaalang-alang ang kapaligiran at kapakanan ng susunod na henerasyon.

“We demand ecological and intergenerational justice… stop all projects that are destructive to people and nature; and involve all sectors of society in seeking and implementing a truly sustainable and integral development,” saad ng LSM Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 209,796 total reads

 209,796 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 244,469 total reads

 244,469 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 260,369 total reads

 260,369 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 296,859 total reads

 296,859 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 303,002 total reads

 303,002 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 92,926 total reads

 92,926 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top