Paggabay sa buhay-espiritwal ng mga kabataan, tiniyak ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,145 total views

Tiniyak ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. ang pangangailangang ituon ang youth ministry sa pagpapalalim ng pakikipagtagpo ng mga kabataan kay Hesukristo sa halip na sa mga programa at aktibidad lamang.

Sa isinagawang First National Youth Directors Assembly ng CBCP Episcopal Commission on Youth, sinabi ng obispo na ang tunay na pundasyon ng paglilingkod sa kabataan ay ang pag-akay sa kanila sa mas malalim na ugnayan sa Panginoon.

“Youth ministry begins not with activities but with an encounter. Before young people need programs, they need Christ,” ayon kay Bishop Ayuban.

Binigyang-diin ng obispo na sa gitna ng mga hamon tulad ng social media, misinformation, suliraning pangkaisipan at emosyonal, kawalan ng katiyakan sa ekonomiya, migrasyon, pagkakawatak-watak ng pamilya at lumalawak na kawalang-interes sa pananampalataya, mahalagang matulungan ang mga kabataan na makatagpo si Kristo at maging mga misyonerong alagad.

“The question before us is not simply: ‘How do we attract young people?’ The deeper question is: ‘How do we help young people encounter Jesus Christ and become missionary disciples?’” ani ng obispo.

Hinimok din ni Bishop Ayuban ang mga youth directors at ministers mula sa 62 na diyosesis sa bansa at 15 miyembro ng Federation of National Youth Organizations na higit pang pagtuunan ang paggabay sa espiritwal na buhay ng mga kabataan.

Ayon sa obispo, ang pananampalataya ay hindi lamang koleksyon ng mga aral kundi isang buhay na pakikipag-ugnayan sa Panginoon na dapat maipakilala sa mga kabataan sa pamamagitan ng patotoo at pagmamahal.

“You are not merely managing programs. You are accompanying souls. This mission requires more than competence. It requires love,” saad ni Bishop Ayuban.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 18,951 total views

 18,951 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 52,033 total views

 52,033 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 80,384 total views

 80,384 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 148,114 total views

 148,114 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 169,817 total views

 169,817 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top