Simbahan, titiyaking hindi mapapalitan ng teknolohiya ang pakikipag-ugnayan sa Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,553 total reads

Binigyang-diin ni Iba Bishop Bartolome Santos Jr., vice chairman ng CBCP Episcopal Commission on Youth, ang pangangailangang tugunan ng Simbahan ang lumalawak na impluwensya ng artificial intelligence o AI sa buhay ng mga kabataan na nagdudulot ng krisis sa paglalakbay pananampalataya, pakikipagkapwa at pagiging malapit sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa ikalawang araw ng 1st National Youth Directors Assembly sa misang isinagawa sa Sagrada Familia Chapel sa Quezon City, tinukoy ng obispo ang teknolohiya bilang isa sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng mga kabataan sa kasalukuyan.

“The next enemy we have to make as our footstool is the crisis brought by technology—the crisis of AI, the crisis of accompaniment, and the crisis of intimacy,” ayon kay Bishop Santos.

Ipinaliwanag ng obispo na maging ang AI mismo ay maaaring magturo kung paano naaapektuhan ng teknolohiya ang ugnayan ng tao sa kapwa.

“Even if you ask AI what brought about the crisis of intimacy, the first reason is technology—too much time spent with AI lessens the personal relationships and intimacy felt by the heart,” ani Bishop Santos.

Nagbabala rin siya na mas maraming oras na ang ginugugol ng mga kabataan sa AI at digital platforms kaysa sa kanilang pamilya at mga kaibigan.

“We know that our youth spend their time with AI more than with their parents, family, and friends,” saad ng obispo.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na tungkulin ng Simbahan na samahan at gabayan ang mga kabataan upang hindi mapalitan ng teknolohiya ang tunay na pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapwa.

“The crisis of accompaniment happens when loneliness and depression are dealt with by AI rather than through a close personal relationship with God and family.”

Hinimok ng obispo ang mga youth ministers at mga lingkod ng Simbahan na maging “ka-manlalakbay” ng mga kabataan sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon sa gabay ng Banal na Espiritu.

Isinagawa ang kauna-unahang National Youth Directors Assembly na dinaluhan 100 mga youth directors at youth ministers mula sa 62 diyosesis sa bansa at 15 Federation of National Youth Organizations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 36,821 total reads

 36,820 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 87,278 total reads

 87,277 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 135,148 total reads

 135,148 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 239,096 total reads

 239,096 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 323,322 total reads

 323,322 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top