Pagretiro ni Bishop Mercado, tinanggap ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 345 total views

Pormal nang tinanggap ni Pope Leo XIV ang pagreretiro ni Parañaque Bishop Jesse Mercado kasabay ng kanyang ika-75 kaarawan, ang itinakdang mandatory retirement age para sa mga obispo.

Kasabay nito, itinalaga ng Santo Papa si Bishop Elias Ayuban Jr., CMF ng Cubao bilang apostolic administrator ng Diocese of Parañaque sa panahon ng sede vacante.

Si Bishop Mercado, na tubong Santa Cruz, Manila, ay inordinahang pari noong March 19, 1977. Noong February 25, 1997, itinalaga siya ni Saint John Paul II bilang auxiliary bishop ng Archdiocese of Manila at pormal na inordinahang obispo noong March 31 ng parehong taon.

Nang itatag ni Saint John Paul II ang Diocese of Parañaque noong December 7, 2002 para sa mga lungsod ng Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa, itinalaga rin niya si Bishop Mercado bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis.

Bago naging auxiliary bishop ng Maynila, nagsilbi si Bishop Mercado bilang rector ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma at ng Holy Apostles Senior Seminary sa Makati. Naging professor at spiritual director din siya sa pre-college department ng San Carlos Seminary, spiritual director ng San Pablo Regional Seminary sa Baguio City, at parochial vicar ng San Isidro Parish sa Pasay City.

Samantala, itinalaga si Bishop Ayuban bilang obispo ng Cubao noong October 4, 2024 at pormal na naluklok sa diyosesis noong December 3 ng parehong taon.
Sa kasalukuyan, anim na ecclesiastical jurisdictions sa Pilipinas ang nasa ilalim ng sede vacante; ang mga diyosesis ng Ilagan, Kabankalan, Masbate, Parañaque at Tagbilaran, gayundin ang Apostolic Vicariate of Jolo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 56,978 total views

 56,978 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 66,342 total views

 66,342 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 92,798 total views

 92,798 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 141,149 total views

 141,149 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 142,290 total views

 142,290 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top