197 total views
Walang balak si dating Environment Secretary Gina Lopez na pumasok sa pulitika.
Ito ang tugon ng dating kalihim sa panayam ng programang Veritasan ng Radio Veritas sa mga humihimok sa kanyang tumakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas.
Matapos ibasura ng makapangyarihang Commission on Appointments ang pagtatalaga sa kanya bilang kalihim ng DENR, ipinaabot ng mga environment group maging ng ilang lider ng Simbahan ang pagsuporta kay Lopez sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa.
“I’m flattered, but NO, I find politics magulo. I’m really more of a ground person. The only good thing about being a president is when you make a decision no one will go against you,” ayon kay Lopez.
Dahil sa botong 16-8, hindi kinatigan ng C-A ang pagkakatalaga kay Lopez bilang kalihim ng DENR.
Tiniyak naman ng kalihim na bago ang kanyang pag-alis sa kagawaran ay naisaayos niya ang pakikinabang ng lupa ng mga maliliit sa lipunan.
Read:
PD30 dapat mamuno sa DENR (http://www.veritas846.ph/pdu30-nararapat-mamuno-sa-denr/)
Selfish interest, nanaig sa pagkabasura ng appointment ni Lopez
(http://www.veritas846.ph/selfish-interest-nanaig-sa-pagkabasura-ng-appointment-ni-lopez/)
Pag-reject ng CA kay Lopez, pagtraydor sa Diyos at taumbayan
(http://www.veritas846.ph/pagreject-ng-ca-kay-lopez-pagtraydor-sa-diyos-taumbayan/)
“Kasi alam ko na unpredictable ang politics so before I left we made policies. One of which is that yung lupa ng DENR, yung unang-unang may access to these land ay non-other than the communities living there. So we put that out. And then, it is not enough to just give them the land and they don’t have to pay taxes to get the title, kailangan tulungan din sila sa negosyo or whatever all the way up to the marketing para aangat ang buhay nila,” pahayag ni Lopez sa programang Veritasan.
Bago bumaba sa puwesto, 75-mine contracts ang isinantabi ng kalihim habang 23-mining company naman ang ipinasara.
Nanindigan ang kalihim na .004-porsiyento lamang ang nai-aambag ng negosyo ng pagmimina sa ekonomiya habang 6 percent lamang sa total employment ng bansa.
“That is their contribution to the economy, not even 1 %. So they are raping our resources, killing the future of our country and giving us what?,”dagdag pa ng kalihim.
Sa panig naman ni Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma, lead convenor ng Climate Change Congress of the Philippines, dapat na maging balanse ang paglilinang ng isang lugar para sa kapakanan ng lahat.
Taong 2012, umagos ang 20.6 million tons toxic tailings ng Philex Padcal Mine sa Benguet province na naging banta sa kalusugan ng 100 libong katao.