185 total views
Umaasa si Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma na magiging seryoso ang Pangulong Rodrigo Duterte
sa pagpili nang ipapalit kay Gina Lopez bilang kalihim na may pagmamahal sa kalikasan at sa kanyang kapwa.
Ito ay matapos hindi makumpirma ng Commission on Appointment si Gina Lopez bilang kalihim ng kagawaran.
Talagang we are disappointed sa nangyari and we hope na ang kanyang naumpisahan ay maipagpatuloy, matulungan din whoever is the next Secretary of DENR sapagkat itong kautusan niya ay hindi naman para sa kanya kundi para sa lahat,” ayon kay Archbishop Ledesma na siya ring lead convenor ng Climate Change Congress
of the Philippines.
Ayon sa Arsobispo, bukod sa pangangalaga sa kalikasan dapat ding maisulong ang sustainable development at ang pangangala sa mga indigenous community na karaniwang naninirahan sa mga mining areas sa bansa.
Giit pa ni Archbishop Ledesma, nawa ang mapipiling bagong kalihim ay magpapatuloy sa naumpisahan ni Lopez.
‘He/she should be really show that he has concern for the sustainable development of local resources and to avoid, itong exploitation that will damage forever the natural resources of the country and then aalagaan niya rin yung mga interest of the indigenous people community that are mostly found also in this a mining areas and upland areas
of the country. So he or she has to keep a balance between yung productivity of the area and also the sustainable development of the area.” pahayag pa ng arsobipo.
Dahil sa botong 16-8, hindi kinatigan ng CA ang pagkakatalaga kay Lopez bilang kalihim ng DENR.
Base sa ulat 75 mine contracts ang isinantabi ng kalihim bukod pa sa 23 mining company na ipinasara nito kamakailan.
“Well in all likelihood meron ding mga vested interest yung mga decision makers in our government that is why it’s really obvious na some of those politicians are also with mining interest. Sana out of delicadeza they should have
at least inhibited themselves from voting because this concerns the protection of the environment and the natural resources of the whole country” dagdag pa ni Archbishop Ledesma.
Ayon sa ensiklikal na Laudato Si na katha ni Pope Francis, pangunahing dapat alagaan ang mamamayan at kalikasan sa paglilinang.