Panagutin naman natin sila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 64,083 total reads

Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay pamumulitika lamang. Away lang daw ito ng mga maimpluwensyang angkan sa pulitika at kani-kanilang mga kakampi. Agawan lang daw ito ng kapangyarihan. Wala naman daw itong maidudulot na mabuti sa mga mamamayan. Mapapababa raw ba nito ang presyo ng mga bilihin? Gagaan ba ang gastos ng mga nasa ospital? Magiging magaan ba ang gastusin sa pag-aaral? Gaganda raw ba ang buhay ng mga Pilipino?

Malinaw na hindi masasagot ng impeachment trial ang mga isyung malapit sa sikmura, ‘ika nga. Pero sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga lingkod bayan, magkakaroon tayo ng isang pamahalaang matatag at mapagkakatiwalaan. Kung matatag at mapagkakatiwalaan ang ating gobyerno, makakikilos ito para makapaghatid ng mga serbisyong kailangan ng mga mamamayan.

Iyan ang nais iparating na mensahe ng grupong Stratbase Institute. Ang tinatawag na accountability ay pundasyon daw ng matatatag at mapagkakatiwalaang mga institusyon, katulad ng gobyerno. Ang accountability ay tumutukoy sa pagpapanagot sa mga nagpapatakbo ng ating pamahalaan. Itinatanong dito: tapat ba sila sa kanilang tungkulin? Malinis ba ang kanilang pamamahala? Maayos ba nilang ginagasta ang pera ng bayang ipinagkakatiwala sa kanila? 

Pagbibigay-diin pa ng Stratbase Institute, “The strength of our institutions is measured not by the authority, but by how openly and honestly authorities can be questioned, corrected, and held accountable for their actions.” Hindi nasusukat ang katatagan ng ating mga institusyon sa lakas o kapangyarihan ng mga nakaupo. Nasusukat ito sa kabukasan at katapatan ng mga may tangan ng kapangyarihang nagmula sa taumbayan. Dapat bukás sila sa mga tanong, bukás na ituwid, at bukás na managot para sa kanilang aksyon, lalo na kung labag ito sa batas.

Hiráp tayong mga Pilipinong maunawaan ang mga bagay na ito. Nasanay—o sinanay—kasi tayo sa pamumunong nakasentro sa mga lider. Akala natin, dapat silang katakutan, dapat sundin, at hindi kinukuwestyon. Tagatanggap lang tayo ng kung anong ibibigay nila, at kitang-kita iyan sa hindi natin pagbusisi sa napakarami nang ayudang ipinamumudmod sa mga tao. Para sa marami sa atin, may silbi lamang ang gobyerno kung may natatanggap tayo sa kanila, kahit gaano kaliit o kahit kulang pa ito. Sinasabihan nga tayong magpasalamat na lang. Mas mabuting may natatanggap kaysa wala. Mas mabuting may pera o trabahong tatagal lang ng ilang araw kahit pa wala tayong malinis na tubig, murang kuryente, ligtas na mga kalsada, at kumpletong pasilidad sa mga pampubling paaralan at ospital. Okay lang na may ayuda kahit nagnanakaw ang ating mga lider. Mali ang mga ito, mga Kapanalig.

Hindi man natin maiiwasang sumentro sa mga personalidad ang isasagawang impeachment trial, subukan pa rin natin—lalo na ng mga mambabatas na tatayong mga miyembro ng impeachment court—na suriin, kilatisin, at timbanging mabuti ang mga ebidensya. Ito naman ang punto ng impeachment trial—ang ilatag ang mga ebidensya laban sa isang lider at bigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag. Kung walang impeachment trial, para na ring aprub sa atin ang gobyernong may itinatago sa taumbayan. Kahit sa mga panlipunang turo ng Simbahan, gaya ng Pacem in Terris, ipinaliliwanag na ang kapangyarihan ng mga nasa gobyerno ay dapat ginagamit para pagsilbihan ang kabutihang panlahat, hindi ang interes ng isa o iilang tao. Salungat dito ang pagtatago sa mga baluktot na gawain ng ating mga lider.

Mga Kapanalig, sa pagsisimula ng impeachment trial kay VP Sara, ipagdasal nating lumabas ang katotohanan—ang katotohanang magpapalaya sa atin, pangaral nga sa Juan 8:32. Sa impeachment trial, maramdaman sana ng ating mga lider na binabantayan at pinananagot natin sila. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 47,163 total reads

 47,163 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 83,953 total reads

 83,953 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 117,050 total reads

 117,050 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 168,276 total reads

 168,276 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 229,904 total reads

 229,904 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Karagatan para kanino?

 47,164 total reads

 47,164 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 83,954 total reads

 83,954 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 117,051 total reads

 117,051 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top