Paglinang sa karungan at pananampalataya ng kabataan, tiniyak ng Diocese of Novaliches

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,347 total reads

Tiniyak ng Novaliches Diocesan Catechetical Foundation ang pagpapaigting ng mga programang makatutulong sa paghuhubog ng karunungan at pananampalataya ng mga bata.
Sa ginanap na Jubilee for Kids ng diyosesis sinabi ni NDCF Director Fr. Eduardo Molina na mahalaga ang mga pagtitipong ginagawa ng simbahan na nakatuon sa mga bata bilang paraan ng pagbibigay ng katesismo at pagpapatibay ng samahan.

“Hindi lang basta activity to enjoy but also it gives the children opportunity for catechesis, to enjoy themselves and the company with each other; this is the effort of the diocese to reach out and care for the children,”
pahayag ni Fr. Molina sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng pari na pinaigting din ng diyosesis ang pagpapadala ng mga full time catechist sa mga parokya lalo na sa mga may nasasakop ng pampublikong paaralan kung saan ito nagtuturo ng catechesis ng hanggang apat na beses kada linggo.

Aniya, ito ay bahagi ng konkretong tugon sa panawagan ng simbahan na paigtingin ang misyon sa mga komunidad kaya’t mahalagang maabot ang mga batang mag-aaral ng elementarya sa bawat lugar na sakop ng diyosesis.

Ayon pa kay Fr. Molina bukod sa pagtuturo ng mga katekista sa public schools may mga formation program ding isinasagawa sa mga parokya tuwing weekend para sa mga bata at kabataan.
“Jesus commissions us to continue His work, itong mga ginagawa ng NDCF, ng ating diocese, ay isa sa mga konkretong paraan of continuing the work in the mission of Jesus especially to children who are the future of our faith, and of the church,” dagdag pa ni Fr. Molina.

Nitong June 1 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon ay nagtipon ang mahigit 1, 000 kabataan sa Mater Carmeli School of Novaliches para sa Jubilee for Kids.

Pinangunahan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang pagdiriwang ng Banal na Misa kasama si Fr. Molina
Katuwang ng NDCF sa programa ang Katolago sa pangunguna ng kanilang Pangulo, Ricci Parto – Dela Cruz kasama ang ilang kasapi ng organisasyon na sina Andrew Dela Cruz at Broadcast Journalist Mariz Umali.

Tampok sa pagdiriwang ang ilang interactive activities sa pangunguna ng mga katekista ng diyosesis at pagkakaroon ng programa tampok ang walong jubilee churches ng Novaliches.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 123,171 total reads

 123,171 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 198,712 total reads

 198,712 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 232,160 total reads

 232,160 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 267,459 total reads

 267,459 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 489,156 total reads

 489,156 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top