Huwag gamitin ang komunikasyon sa paninira ng kapwa-Bishop Maralit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,731 total reads

Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang pakikipag-komunikasyon ay isang biyaya ng Panginoon at hindi dapat gamitin upang manira o makapanakit.

Ito ang bahagi ng mensahe ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. -chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communications kaugnay sa paggunita ng 59th World Communications Day ngayong taon.

Ayon sa Obispo, ang iba’t ibang paraan ng pakikipagkomunikasyon tulad ng internet at social media ay isang biyaya na dapat na gamitin sa makabuluhang pamamaraan sa halip na sa pagdudulot ng paghihirap at pagdurusa ng kapwa sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng misinformation, disinformation, at fake news.

“We already know and our [late] Holy Father has reminded us Pope Francis has reminded us so many times that there is so much pain, hurt and suffering within communication because of how communication has been used in a very bad way through misinformation, disinformation, bashing, even a lot of fake news has been going around about people, destroying images, destroying people, destroying persons all of this has left us with an experience of pain and suffering through something that is not even created for that.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Maralit.

Paliwanag ni Bishop Maralit, bilang mga ‘ministers of social communication’ o mga tagapagbahagi ng Mabuting Balita ng Panginoon ay dapat lamang na isulong ang naaangkop na paggamit ng iba’t ibang paraan ng pakikipagkumunikasyon upang maibahagi ang pag-ibig, pagkakawang-gawa, at pag-asa para sa mas nakararami.
Giit ng Obispo, hindi kailanman dapat na maging daan ang pakikipagkomunikasyon upang makapanakit o manira ng kapwa sa halip ay dapat itong gamitin ng may kahinahunan para sa pagsusulong ng kabutihan at pag-unlad sa lipunan.

“It [communication] was created to do good and our Holy Father tells us the ministers of social communication with the church to always share our message, to communicate with gentleness and the term that he used in this message was to disarm, to take away that characteristic of social communications that has been going around for quite some time that keeps on hurting people, that keeps on destroying people, now we bring the good news and the good news is always with gentleness to bring about the stories that comes from the heart stories that is about love, charity, hope, so again a very beautiful challenge from Pope Francis for all of us.” Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Tema ng 59th World Communications Day ngayong taon ang ‘Share with gentleness the hope that is in your hearts’ kung saan dapat na maging daluyan ng pag-asa ang social media at maging daan ng pagbubuklod ng mamamayan.

Ang World Communications Sunday na ginugunita kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon o Ascension Sunday ay isang paalala sa hamon sa bawat isa na maibahagi ang Mabuting Balita ng Panginoon sa pamamagitan ng iba’t-ibang pamamaraan ng pakikipagkumunikasyon.

Unang isinagawa ng Simbahan ang paggunita ng World Communications Day noong 1967 sa pangunguna ni Pope St. Paul VI.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 123,140 total reads

 123,140 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 198,686 total reads

 198,686 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 232,134 total reads

 232,134 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 267,433 total reads

 267,433 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 489,130 total reads

 489,130 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top