Apela sa bagong housing czar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,669 total reads

Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy resignation alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. 

Kung inyong matatandaan, pinagpasa ni PBBM ang mga miyembro ng kanyang gabinete ng kani-kanilang courtesy resignation ilang araw pagkatapos ng eleksyon. Bahagi raw ito ng performance evaluation ng mga pinili niyang tumulong sa kanya sa paghahatid ng serbisyo sa mga Pilipino. Hindi na raw “business as usual,” sabi ni PBBM. Sa pagkatalo ng maraming kandidato niya sa pagkasenador, lumitaw daw na naghahanap ng resulta ang mga tao. Ang pagpapa-resign sa mga kalihim ng mga kagawaran ay parte ng tinatawag na “recalibration” o pag-aayos ng administrasyon.

Hindi naman talaga mawawalan ng papel sa gobyerno ang dating kalihim ng DHSUD. Si Ginoong Acuzar ay itinalagang pamunuan ang proyektong Pasig Bigyan Buhay Muli. Rehabilitation project ito na sinimulan ni First Lady Liza Araneta. 

Pinalitan naman siya ni dating DHSUD Undersecretary Jose Ramon Aliling. Kilala si Secretary Aliling sa larangan ng construction management bilang isa ang kanyang kompanya sa mga suki ng malalaking development projects sa bansa. Hindi nalalayo ang mga interes niya kay dating DHSUD Secretary Acuzar—ang pagtatayo ng mga gusali. Kaya naman, ang tanong: magpapatuloy ba ang pagpapatupad ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Program o 4PH? 

Matayog ang ambisyon ng 4PH: ang magtayo ng anim na milyong housing units o pabahay sa loob ng anim na taóng termino ni PBBM. Nakakatatlong taon na si presidente, pero parang wala pa tayong naririnig na naipatayo sa mga proyektong pabahay ng DHSUD. Ang “underdelivery” nga ang sinabing dahilan ng pagtanggap ni PBBM sa courtesy resignation ni Ginoong Acuzar. Paano nga ba naman mahihikayat ang pribadong sektor na magtayo ng mga high-rise residential buildings gayong walang kasiguruhang makakayanang bayaran ang mga ito ng mga target beneficiaries ng 4PH?

Kaya naman, maging bukás sana ang bagong housing czar sa ibang paraan ng pagtugon sa pangangailangan sa pabahay ng mga Pilipino, lalo na ng mahihirap at walang tuluy-tuloy na kita. Nariyan ang site upgrading o pagsasaayos ng mga tinatawag nating informal settlements o mga komunidad kung saan walang titulo ng lupa ang mga pamilyang nakatira. Maaaring ayusin ang serbisyo ng tubig at sanitasyon sa mga lugar na ito. Pwedeng lagyan ng maayos at maliliwanag na kalsada. May pautang din sana sa mga pamilya para unti-unti nilang mapaayos ang kanilang bahay. Ito ang solusyon sa mga proclaimed sites o mga lupang pagmamay-ari ng gobyerno na ginawang socialized housing site.

Para sa mga informal settlers naman sa mga pribadong lupa, nariyan ang Community Mortgage Program. Matagal nang programa ito at napatunayan nang epektibo. Kailangang paglaanan ng malaking pondo ang CMP para matulungan ang mga pamilyang mabayaran ang lupa at kalaunan ay mapaganda ang kanilang mga bahay. Sa mga lugar na kailangan talagang i-relocate ang mga pamilya, dapat ayusin ang mga resettlement projects ng National Housing Authority. Dapat tuluy-tuloy pa rin ang trabaho ng mga nagtatrabaho, at naroon na dapat ang tubig at kuryente bago pa sila ilipat. 

Mga Kapanalig, isa sa mga prinsipyo ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang subsidiarity. Tumutukoy ito sa pagkilala sa kakayahan ng mga taong solusyunan ang kanilang mga problema. Sa isyu ng pabahay, hindi tamang ang ididikta lamang ng gobyerno ang masusunod. Tulungan natin ang mga tao na magawa ang solusyong akma sa kanila, mga solusyon kung saan magagamit nila ang mga “kakayahang tinanggap ng bawat isa,” wika nga sa 1 Pedro 4:10. Sa ganitong paraan, tunay na mararamdaman ng mga tao na kaagapay nila ang gobyerno.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 116,570 total reads

 116,570 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 192,563 total reads

 192,563 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 226,011 total reads

 226,011 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 261,310 total reads

 261,310 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 483,271 total reads

 483,271 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 116,571 total reads

 116,571 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 192,564 total reads

 192,564 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 226,012 total reads

 226,012 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 261,311 total reads

 261,311 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top