Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop-emeritus Cariño, naihatid na sa huling hantungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 670 total views

Naihatid na sa huling hantungan si Legazpi Bishop-emeritus Nestor Cariño sa St. Gregory the Great Cathedral sa Legazpi City, Albay.

Pinangunahan ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang Misa ng Paglilibing, kasama sina Auxiliary Bishop-emeritus Lucilo Quiambao, Borongan Bishop Crispin Varquez, at mga pari mula sa iba’t ibang diyosesis sa Bicol Region.

Sa pagninilay, ibinahagi ni Bishop Baylon ang kanyang karanasan nang makiusap sa kaniya si Bishop Cariño, na noo’y secretary general ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, upang magsilbing assistant secretary general sa loob ng dalawang taon.

“I am deeply grateful to him for, first, believing in me… I was happy to have this special experience of serving the bishops of the Philippines. Indeed, that is what I am grateful to Bishop Cariño for–he allowed me to experience the running of this conference of the princes of the church of the Philippines,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Baylon.

Kinilala rin ng obispo ang naging pamamahala ni Bishop Cariño bilang ikalimang pastol ng Diyosesis ng Legazpi, kung saan ipinakita nito ang pagpapahalaga sa kanyang kawan lalo na sa mga pari.

Sa loob ng dalawang taong pagpapastol, inilunsad ni Bishop Cariño ang Diocesan Stewardship Program–isang inisyatibong nakatuon sa kalusugan at pangangailangang pastoral ng mga pari sa diyosesis.

“We appreciate the fact that he was the one who initiated and sustained, fostered this diocesan stewerdship program. A program that allowed priests to take care of themselves, to contribute to their hospitalization and other needs, aside from being pastors of their parishes,” ayon kay Bishop Baylon.

Pumanaw si Bishop Cariño noong Mayo 24, 2025 sa edad na 86, matapos ang ilang araw na pananatili sa Intensive Care Unit ng Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Isinilang siya noong Setyembre 8, 1938 sa Malinao, Albay; naordinahan bilang pari noong Disyembre 31, 1961; itinalaga ni Pope Paul VI bilang auxiliary bishop ng Diyosesis ng Legazpi noong Marso 9, 1978; at inordinahan bilang obispo noong Mayo 31 ng kaparehong taon.

Hinirang naman siya ni Pope John Paul II bilang ikaapat na obispo ng Diyosesis ng Borongan, Eastern Samar noong Agosto 12, 1980 hanggang Enero 31, 1986, bago mahalal na secretary-general ng CBCP.

Taong 2001, habang kasalukuyang naglilingkod sa CBCP, hiniling ng noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na pangasiwaan ni Bishop Cariño ang Ecclesiastical District of Pasig, bago ito opisyal na naging diyosesis noong 2003.

Muling itinalaga ni Pope John Paul II si Bishop Cariño noong Hunyo 11, 2003 bilang auxiliary bishop ng Diyosesis ng Daet, Camarines Norte, at noong Abril 1, 2005 naman ay hinirang bilang ikalimang obispo ng Diyosesis ng Legazpi.

Noong Nobyembre 7, 2007, tinanggap ni Pope Benedict XVI ang pagreretiro ni Bishop Cariño sa edad na 69 dahil sa mga umiiral na karamdaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 8,821 total views

 8,821 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 76,309 total views

 76,309 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 97,374 total views

 97,374 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 120,122 total views

 120,122 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 157,071 total views

 157,071 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top