Police visibility sa lahat ng komunidad, ipinag-utos ni PBBM sa bagong PNP Chief

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,588 total reads

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si General Nicolas Torre III, ang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP), na tiyaking malinis ang hanay ng pulisya at pag-ibayuhin ang ‘police visibilty’ sa mga komunidad.

Ang direktiba ni Pangulong Marcos ay makaraang pangunahan ang seremonya ng pagpapalit ng liderato sa PNP, kung saan pormal na nagretiro si Police General Rommel Francisco Marbil.

Ayon sa Pangulo, ang pag-upo ni Torre bilang bagong PNP Chief ay dumating sa tamang panahon, lalo na sa harap ng mga panawagan para sa mas malinaw na direksyon, katapangan, at panibagong tiwala sa institusyon.

Giit ng punong ehekutibo na malalaking hamon ang kinakaharap ng bansa gaya ng transnational crimes, cyber threats, karahasang dulot ng extremism, at mga kaso ng katiwalian sa loob mismo ng PNP.
Binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pagpapanatiling malinis at marangal ang PNP, at hinimok si Torre na pabilisin ang mga imbestigasyon sa mga kasong kinasasangkutan ng mga tiwaling pulis upang agad na matangggap ang katarungan.

“Hamon ko sa ‘yo, panatilihin mong malinis at marangal ang hanay ng kapulisan. Bilisan ang imbestigasyon sa mga kaso laban sa mga pulis na lumabag sa batas upang maibigay natin ang hustisya sa lalong madaling panahon,” ayon kay Pangulong Marcos.

Tagubilin din ng Pangulo ang pagpapalakas ng presensya ng mga pulis sa mga lansangan upang agad na makaresponde sa panahon ng pangangailangan ng publiko. Binigyang-diin din niya ang pagpapatuloy ng pakikipag-ugnayan ng PNP sa mga komunidad at iba pang sektor upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lipunan.

Hinimok din ng Pangulo ang pagpapatuloy ng kampanya kontra ilegal na droga, sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ang mga operasyon laban sa mga drug lord at lider ng sindikato.

”Sa tulong ng PDEA, ipagpatuloy ninyo ang paglaban sa illegal na droga. Magsagawa pa rin tayo ng drug seizures at tiyakin na sasampahan ng kaso ang mga drug dealer at ang mga drug lord. Patuloy din kayong magmatyag sa ating mga komunidad para kahit ang small time na mga drug dealers ay wala ring ligtas,” pahayag pa ni Marcos.

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang buong hanay ng pulisya na iwasan ang paggamit ng kanilang pribilehiyo para sa pansariling interes.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 7,438 total reads

 7,438 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 19,802 total reads

 19,802 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 91,738 total reads

 91,738 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 178,239 total reads

 178,239 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 221,273 total reads

 221,273 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 270,076 total reads

 270,076 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top