Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 80,500 total reads

Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam?

Ito po ay sitwasyon na nagbabadya ng matindi, lubhang panganib, hindi mapipigilang pagbabago sa pandaigdigang klima o pagbabago sa panahon. Dulot ito ng greenhouse gases na dulot ng lubhang pagsusunog ng fossil fuels tulad ng coal(uling), oil, gas.

Dahil sa nagbabagong panahon, nagdudulot ito ng matinding :sobrang init (heatwaves).,tagtuyot (drought), matinding pagbaha, pagguho ng lupa, matinding bagyo, hurricanes, at wild fires.
Sa Pilipinas nararanasan na natin ito.,sunod na malalakas na bagyo dala ng malalakas na hangin at matinding pagbaha kung saan bilyun-bilyong pisong ari-arian, imprastraktura at nawawasak. Ang malala, maraming buhay ang nawawala dahil sa ating kapabayaan sa kapaligiran. Tayong mga mamamayan ang pangunahing may likha ng climate crisis.

Pero Kapanalig, wala pa rin tayong pakialam… wala tayong takot sa trahedyang idudulot ng ating pagkukulang, sakunang idudulot ng ating walang habas na paglapastangan sa kapaligiran at likas na yaman ng bansa na sana’y nagbibigay ng proteksyon, nagbibigay ng pananggalang sa atin tuwing mayroong malalakas na bagyo.

Wala tayong pakialam sa laganap na illegal-logging, laganap na pagkakalbo sa mga kabundukan sa Pilipinas… Basta ang mahalaga sa atin ay konting kita., konting pera, konting ginhawa na ibinibigay ng mga negosyong sumisira sa ating kapaligiran.

Sa bansa halimbawa, kitang-kita natin nang lantaran ang walang habas na pagkakalbo sa mga kabundukan., pero wala pa ring tayong ginagawa. Ano bang budhi mayroon tayong mga Pilipino?o nilalang na tao? Hindi natin nagampanan ang responsibilidad na ini-atang ng panginoon., na maging mabuting katiwala ng sangnilikha.

Destructive mining, Kapanalig, ang Sierra Madre mountains na idineklarang pinakamalaking protected area sa buong Pilipinas. Ang Sierra Madre mountains ay ang pinakamalakas na pananggalang, nagpapahina sa lakas ng mga bagyong nagbabadya ng pinsala sa Luzon kabilang na ang Metro Manila. Ang Sierra Madre ay tahanan ng iba’t-ibang uri ng halaman at hayop., tahanan din ito ng mga iba’t-ibang tribu ng katutubo o Indegenous People.

Pero sa nakalipas na dekada, ang Sierra Madre na tinaguriang “back bone” ng Luzon ay unti-unting winawasak ng mga mining companies gayundin ng mga malalaking kumpanya tulad ng Kaliwa dam at ang pinakahuli ay pinsalang dulot ng destructive mining na ginagawa ng Dinapigue Mining Corporation.

Ikinatwiran ng DMC na ang kanilang malawakang mining operasyon ay mayroong basbas ng Mines and Geosciences Bureau at local na pamahalaan ng Dinapigue sa lalawigan ng Isabele at 80-porsiyento ng kanilang manggagawa ay mga lokal at mga katutubo.

Tulad ng dati, sino-sino ang may responsibilidad sa walang habas na pagkakalbo ng mga bundok (deforestation)? Sa sandaling magdudulot ng pagguho ng lupa, sa sandaling magdudulot ng ito ng matinding pagbaha, sino ang sisihin?

Sa encyclical na Laudato Si., umaapela ang namayapang Pope Francis sa lahat ng tao sa mundo. “I ask you, in the name of God, to defend Mother Earth”.

Sinasabi din Kapanalig ng Genesis 1:28“God blessed them and said to them, ‘Be fruitful and increase in number; fill the earth and subdue it. Rule over the fish in the sea and the birds in the sky and over every living creature that moves on the ground.’

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 897 total reads

 897 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 35,577 total reads

 35,577 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 68,971 total reads

 68,971 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 105,454 total reads

 105,454 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 123,620 total reads

 123,620 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 898 total reads

 898 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 35,578 total reads

 35,578 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 68,972 total reads

 68,972 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 105,455 total reads

 105,455 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top