Filipino priests, may special audience kay Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,691 total reads

Kinasasabikan ng mga paring Pilipino sa Roma ang kanilang unang personal na pagkikita kay Pope Leo XIV, ang ika-267 na Santo Papa ng simbahan, sa darating na Hunyo 12.

Ayon kay Fr. Greg Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filippino, isang espesyal na “audience” ang inihanda kung saan makakaharap mismo ng mga pari si Pope Leo sa Vatican.

“Kami medyo excited na rin. Excited na excited. Hindi lang medyo sapagkat magkakaroon na kami ng audience. Mamimeet na rin namin ang Santo Papa, si Pope Leo bilang mga pari na naka-assign sa Roma,” ani Fr. Gaston.

Aabot sa 51 Pilipinong pari at 5 dayuhang pari na kasalukuyang naninirahan sa Collegio ang inaasahang dadalo sa naturang pagtitipon.

Ang Pontificio Collegio Filippino ay isang institusyong matatagpuan sa Roma kung saan naninirahan at nagsasanay ang mga piling mga pari mula sa Pilipinas upang mag-aral ng mas mataas na kurso tungkol sa simbahan, tulad ng teolohiya, at batas ng simbahan.

“Yung ating 51 Filipino priests, yung ating 5 non-Filipino priests na kasama sa Collegio Filipino ay mamimeet yung ating Santo Papa itong June 12.”

Kamakailan lamang naihalal si Pope Leo bilang bagong pinuno ng Simbahang Katolika. Pagkatapos ng kanyang eleksyon, agad siyang nagsimula sa kanyang gawain bilang Santo Papa—kabilang na ang pakikipagpulong sa media at iba’t ibang grupo sa Vatican.

Ang pagkikitang ito ay hindi lang simpleng pagbisita. Isa rin itong mahalagang sandali para sa mga paring Pilipino na matagal nang nagsisikap sa kanilang pag-aaral at misyon sa Roma

Ang audience kay Pope Leo ay inaasahang magpapatibay sa kanilang pananampalataya at magbibigay-lakas sa kanilang layunin bilang mga pari—hindi lang sa Roma, kundi sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 110,408 total reads

 110,408 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 186,691 total reads

 186,691 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 220,139 total reads

 220,139 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 255,439 total reads

 255,439 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 477,618 total reads

 477,618 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top