21-araw na Lakbay-Buhay pilgrimage, suportado ng multi-sectoral groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 450 total reads

Umarangkada na ang 21-araw na Lakbay-Buhay cross-country pilgrimage march-caravan laban sa death penalty.

Nagsimula ang 21-araw na nationally-coordinated, cross country “LAKBAY-BUHAY pilgrimage” laban sa death penalty noong ika-4 ng Mayo, 2017 sa Cagayan de Oro at magtatapos sa ika-24 ng Mayo sa Senate of the Philippines.

Ito ang pinakamalaking anti-death penalty mobilization o pagkilos na inorganisa ng grupong PAKISAMA,Sentro,PhilDHRRA, PPVR, CENVISNET,PMPI,CPM,CBD, EVENET, PILIPINA, PASCRES,CODE-NGO,CBCP-NASSA/Caritas Philippines, Diocesan Social Action Centers, Sangguniang Laiko ng Pilipinas, Radio Veritas kasama ang 100-NGOs, 100-POs/Social Movements,10-schools/universities/colleges, 20-LGUs/Congressional Districts, 10-business groups/cooperatives at 20-Senador at Congressmen.

Layon ng LAKBAY-BUHAY pilgrimage na ipamulat sa sambayanang Filipino na ang isinusulong na death penalty
ay immoral,illegal at anti-poor.

Tampok sa pilgrimage ang pagkakaroon ng public forum sa mga lugar na dadaanan upang magkaroon ng kamalayan ang mga mamamayan na ang death penalty ay magdudulot ng culture of death sa bansa.

Pangungunahan ng 14-Lakbayistas ang pilgrimage kasama ni running priest Father Robert Reyes.

Kaugnay nito, nagpaabot ng papuri at commendation sa mga organizers ng LAKBAY-BUHAY pilgrimage si CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa ginawang inisyatibo para imulat at bigyan ng sapat na kaalaman ang sambayanang Filipino sa banta ng parusang kamatayan kapag ito ay naisabatas.

Hinimok din ni Archbishop Villegas ang sambayanang Filipino na makiisa at manindigan para sa kasagraduhan ng buhay.

Kaugnay nito, naninindigan si PAKISAMA president Herminio Agsaluna na “kabuhayan at hindi death penalty ang sagot sa kahirapan ng mga mamamayan.

Ayon kay Agsaluna, ito ang pangunahing mensahe ng Lakbay-Buhay isang 21-day nationwide march-caravan.

Sinabi ni Agsaluna na siyang mangunguna sa “Core Pilgrims” ng Lakbay-Buhay na ang kanilang gagawing paglalakbay kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ay naglalayung isulong ang paninindigan para sa buhay at hindi ang pagbabalik ng parusang bitay.

Panawagan ng grupo sa mga gobyerno at mga mambabatas na ayusin ang justice system ng bansa sa halip na death penalty kung saan ang mga mahihirap lamang ang magiging biktima.

LAKBAY-BUHAY PILGRIMAGE
“21-day nationally-coordinated, cross-country marchcaravan against Death Penalty bill led by Church and
multi-sectoral organizations.(May 4-34, 2017)

LAKBAY-BUHAY ROUTE:

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 25,150 total reads

 25,150 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 61,615 total reads

 61,615 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 287,885 total reads

 287,885 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 181,352 total reads

 181,352 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 274,051 total reads

 274,051 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top