Laudate Deum

SHARE THE TRUTH

Loading

Mga Kapanalig, noong ika-4 ng Oktubre, inilabas ni Pope Francis ang kanyang bagong apostolic exhortation na pinamagatang Laudate Deum. Kasabay ito ng pagtatapos ng Season of Creation 2023 at pagdiriwang ng kapistahan ni San Francisco de Asis, ang patron ng kalikasan. Ang Laudate Deum ay tinatawag na sequel o kasunod ng Laudato Si’ na ensiklikal ni Pope Francis noong 2015. Ang bagong dokumento ay panawagan ng Santo Papa sa pagtugon sa krisis sa klima, lalo na’t nalalapit na ang COP28 o ang 28th Conference of the Parties to the UN Framework Convention on Climate Change na gaganapin sa Dubai.

Walong taon na ang nakalipas matapos ilabas ni Pope Francis ang Laudato Si’ kung saan ipinahayag niya ang kanyang mensahe tungkol sa pangangalaga sa nag-iisa nating tahanan. Sa Laudate Deum, ibinahagi ng Santo Papa ang kanyang pag-áalala at panawagan para sa buong mundo tungkol sa krisis sa klima. Wika niya, sa kabila ng lumalaganap na climate change denial o pagtatanggi at pagdududa sa siyentipikong consensus sa pagbabago ng klima, hindi na maikakaila ang mga tumitinding epekto ng climate change. At ang pinakaapektado ay ang mga bulnerableng sektor at mahihirap na bansang kumpara sa mayayamang bansa, ‘di hamak na maliit lang ang kontribusyon sa greenhouse gas emissions na nagpapainit sa mundo. Gayunpaman, mabagal at hindi raw sapat ang pagtugon natin sa lumalalang krisis sa klima habang posibleng papalapit na ang mundo sa breaking point nito. Batay nga sa mga record-breaking extreme weather events nitong mga nakaraang buwan, kailangang seryosohin na ng pandaigdigang komunidad ang pagpigil sa tumitinding pag-init ng mundo. There is no time to lose.

Isa sa mga makasaysayang extreme weather events nitong taon ay ang naganap na “hottest summer” sa mundo. Ayon sa World Meteorological Organization at Copernicus Climate Change Service ng European Union, naranasan ng mundo ang pinakamatinding tag-init on record sa Northern Hemisphere noong Hunyo hanggang Agosto nitong taon. Paliwanag ng mga siyentipiko, ang tumitinding pag-init ng mundo ay dulot ng pagsusunog ng mga fossil fuels katulad ng coal, petrolyo, at natural gas. Kaya naman, nagbabala si UN secretary general António Guterres na nagsisimula na ang climate breakdown.

Panawagan din ng Santo Papa ang “multilateralism from below” o ang pagtutulungan ng mga bansa mula sa ibaba kung saan hawak ng mga mamamayan ang kapangyarihang pulitikal sa pagtugon sa krisis sa klima. Hangga’t nangingibabaw ang interes ng mga makapangyarihang pagpapalago ng kìta ang prayoridad, hindi makokontrol ang pinsala sa kapaligiran. Wika ni Pope Francis, kailangan ang pagpapataas ng demokratisasyon sa pandaigdigang konteksto. Hindi raw nakatutulong para sa atin ang pagsuporta sa mga institusyong nagtataguyod sa pribilehiyo ng mga makapangyarihan at hindi inaalala ang kabutihang panlahat. 

Binigyang-diin din ni Pope Francis sa Laudate Deum ang pagpapanatili ng pag-asa. Aniya, ang pagtanggap na wala nang pag-asa ay tila pagpapakamatay. Ito daw ay nangangahulugang paglantad sa sangkatauhan, lalo na sa pinakamahihirap, sa pinakamasamang epekto ng climate change. Sa darating na COP28, ipagdasal nating mabigyang-daan ang mga hakbang sa epektibong pagtugon sa krisis sa klima katulad ng mabilis at makatarungang energy transition. Dito naman sa Pilipinas, ipanawagan natin sa pamahalaan ang karapatan natin sa climate justice at isulong ang mga patakarang tunay na mangangalaga sa nag-iisa nating tahanan at magtataguyod sa kabutihang panlahat.

Mga Kapanalig, ipinapaalala sa atin ng Laudate Deum na tayo ay bahagi ng Kalikasan. Ang mundong nakapaligid sa atin ay hindi bagay para pagsamantalahan at walang-pigil na gamitin. Tandaan natin ang salita sa Mga Bilang 35:34 na huwag nating dungisan ang lupaing ating tinitirhan, sapagkat ang Panginoon ay naninirahan kasama ng sambayanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Extreme weather

Loading

Isa sa mga pinakamalaking problema ng ating bayan kapanalig ay ang pagdalas ng pagdalaw ng extreme weather sa ating bansa. Ngayon, hindi na lamang bagyo ang ating pinangangambahan at pinaghahandaan. Ang mga super storms at torrential rains, kapanalig, ay mabilis na rin nagdadala ng malawakang sakuna sa maraming mga lugar sa ating bansa. Ang tagtuyot

Read More »

Asal Kalye

Loading

Hindi na uso ang road ethics sa ating mga lansangan kapanalig. Araw araw, sumasabay sa ingay ng mga busina at tambutso ang galit at kabastusan ng marami nating mga kababayang nasa lansangan. Ano na ba ang nangyari sa atin at bakit ang asal kalye sa ating bayan ay synonymous na sa masamang ugali? Ang laki

Read More »

Edukasyon

Loading

Isa na naman tayo sa mga kulelat pagdating sa math, science, at reading, kapanalig. Ayon sa pinakahuling resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2022, pang 77 sa 81 countries ang Pilipinas. Ang assessment na ito ay ginagawa ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) sa hanay ng mga mag-aaral na may edad

Read More »

End Violence Against Women

Loading

Mga Kapanalig, kasalukuyang idinadaos sa bansa ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women (o VAW) sa pangunguna ng Philippine Commission on Women (o PCW).  Nagsisimula ito noong Nobyembre 25, kasabay ng International Day for the Elimination of VAW, at magtatapos sa Disyembre 12, kasabay naman ng International Day Against Trafficking. Ngayong taon, layunin ng

Read More »

Makatarungang PUV Modernization Program

Loading

Mga Kapanalig, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (o LTFRB) “non-negotiable” daw ang consolidation process sa Public Utility Vehicle (o PUV) Modernization Program. Layunin ng consolidation process na bumuo ng kooperatiba o korporasyon ang mga tsuper at operator ng PUVs upang makatanggap sila ng mga subsidiya at pautang mula sa gobyerno na maaaring

Read More »

Watch Live

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Extreme weather

Loading

Isa sa mga pinakamalaking problema ng ating bayan kapanalig ay ang pagdalas ng pagdalaw ng extreme weather sa ating bansa. Ngayon, hindi na lamang bagyo ang ating pinangangambahan at pinaghahandaan. Ang mga super storms at torrential rains, kapanalig, ay mabilis na rin nagdadala ng malawakang sakuna sa maraming mga lugar sa ating bansa. Ang tagtuyot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Asal Kalye

Loading

Hindi na uso ang road ethics sa ating mga lansangan kapanalig. Araw araw, sumasabay sa ingay ng mga busina at tambutso ang galit at kabastusan ng marami nating mga kababayang nasa lansangan. Ano na ba ang nangyari sa atin at bakit ang asal kalye sa ating bayan ay synonymous na sa masamang ugali? Ang laki

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon

Loading

Isa na naman tayo sa mga kulelat pagdating sa math, science, at reading, kapanalig. Ayon sa pinakahuling resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2022, pang 77 sa 81 countries ang Pilipinas. Ang assessment na ito ay ginagawa ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) sa hanay ng mga mag-aaral na may edad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

End Violence Against Women

Loading

Mga Kapanalig, kasalukuyang idinadaos sa bansa ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women (o VAW) sa pangunguna ng Philippine Commission on Women (o PCW).  Nagsisimula ito noong Nobyembre 25, kasabay ng International Day for the Elimination of VAW, at magtatapos sa Disyembre 12, kasabay naman ng International Day Against Trafficking. Ngayong taon, layunin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatarungang PUV Modernization Program

Loading

Mga Kapanalig, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (o LTFRB) “non-negotiable” daw ang consolidation process sa Public Utility Vehicle (o PUV) Modernization Program. Layunin ng consolidation process na bumuo ng kooperatiba o korporasyon ang mga tsuper at operator ng PUVs upang makatanggap sila ng mga subsidiya at pautang mula sa gobyerno na maaaring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Insulto sa ating hukuman?

Loading

Mga Kapanalig, sa harap ng balitang inuudyukan ng Kamara si Pangulong Bongbong Marcos Jr na makipagtulungan ang kanyang administrasyon sa imbestigasyon ng International Criminal Court (o ICC) tungkol sa war on drugs ni dating Pangulong Duterte, pinaalalahanan ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas na respetuhin ang desisyon ng pangulo na hindi pahintulutan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rural Development

Loading

Isa sa mga dahilan kung bakit mabagal ang pag-usad ng ating bayan ay dahil din sa bagal ng pag-usad ng maraming mga kanayunan sa ating bayan. Marami pa ring naghihirap sa maraming mga probinsya sa ating bayan. Sa mga rehiyon sa ating bansa, ang BARMM o Bangsamoro Autonomous in Muslim Mindanao ay ang may pinakamataas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang Internet at Ebanghelyo

Loading

Sa pagpasok ng digital age, ang internet at social media ay naging makapangyarihang kasangkapan ng komunikasyon. Binuksan nito ang panibagong mundo sa ating lahat, at ginawang global citizens ang mga tao sa buong mundo. Ang isang click lamang natin ay malayo ang maabot sa Internet. Ang internet kapanalig, ay naging katuwang na rin ng simbahan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online shopping

Loading

Nalalapit na naman ang pasko, at para sa mga Pilipino, ito rin ay panahon ng regalo. At kung dati rati ay sa shopping malls at tiangge ang punta ng tao, ngayon, may bagong option na tayo, ang online shopping. Napakarami na sa atin ang nag-o-online shopping na ngayon. Mas convenient na kasi, at sa maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental health sa kabataan

Loading

Mga Kapanalig, may panukalang batas ngayon sa Senado na layong magtatag ng isang school-based mental health program. Kung maisasabatas ang Senate Bill 2200 o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na iniakda ni Senador Sherwin Gatchalian, magkakaroon ang bawat pampublikong paaralan ng tinatawag na “care center”. Para mangyari ito, paliwanag ng senador

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sakripisyo ng mga OFW

Loading

Mga Kapanalig, kasabay ng pagdalo niya sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit na ginanap sa San Francisco ngayong buwan, nakipagkita si Pangulong Bongbong Marcos, Jr sa mga kababayan nating OFW sa Amerika. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng pangulo ang mga kababayan nating nagtatrabaho o nakatira na roon sa Amerika. Malaking tulong daw ang mga katulad nila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

VIP treatment na naman

Loading

Mga Kapanalig, parang eksena sa pinagbibidahan niyang pelikula ang pananabón ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr kay MMDA Task Force Special Operations Unit head Edison “Bong” Nebrija.  Nangyari ito nang pumunta si Nebrija at si acting MMDA Chairman Romando Artes sa Senado upang humingi ng tawad sa senador. Sinabi kasi ni Nebrija, batay sa impormasyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kababaihan at Agrikultura

Loading

Hindi natin nabibigyang pugay, kapanalig, ang bahagi ng kababaihan sa agricultural sector ng ating bayan. Tinatayang 25% ng mga agricultural workers natin ay babae. Mahalaga ang papel ng mga babae sa pagsasaka at pangingisda. Marami sa kanila ay nagsasaka din, nag-aalaga ng hayop, at namamahala sa proseso ng pagbebenta at pagmamarket ng mga produkto. Kahit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deforestation

Loading

Sabi nila, isa sa mga pinakadakilang aksyon na magagawa natin sa ating buhay ay ang pagtatanim ng puno. Hindi man natin maramdam sa ating lifetime ang buong benepisyo nito, ang punong ating tinanim ay sasalba ng buhay ng mga susunod pang henerasyon. Kaya lamang, malawak na ang deforestation sa ating bansa. Kailangan na natin kumilos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Good Governance

Loading

Marami ang nagtatanong, bakit ba ang hirap ng ating bansa bagaman mayaman tayo sa kultura, kasaysayan, at likas na yaman? Bakit ba kahit napakaganda ng Pilipinas, marami pa rin sa atin ang naghihirap? Isa sa mga dahilan kung bakit hirap umusad ang ating bayan ay dahil sa kahinaan ng good governance, hindi lamang sa nasyonal

Read More »

Latest Blogs