Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LP Senators, isa-isang inalisan ng kapangyarihan sa Senado.

SHARE THE TRUTH

 396 total views

Manila,Philippines– Hindi matatapos sa pagtatanggal sa mga Liberal Party (LP) Senators ng kani-kanilang mga committee chairmanship ang kasalukuyang rigodon sa Senado.

Ito ang nakikitang sitwasyon ni Veritas 846 Senior Political Advisor Prof. Ramon Casiple – Executive Director of Institute for Political and Electoral Reform sa nagaganap na reorganisasyon sa Senado.

Ayon kay Casiple, hindi mai-aalis na may koneksyon ang reorganisasyon sa pagpapahayag ng mga saloobin at komento ng mga Senador sa pagkakakulong ni Senator Leila De Lima at maging ang kanilang pakikiisa sa isinagawang rally noong ika-25 ng Pebrero.

“I would assume na reaction ito sa nangyaring February 25 na rally at saka siguro sa mga past na statements ng mga Senador na ito kaugnay kay Leila De Lima and other issues, on-going pa ito I don’t think hihinto dito kasi yung mga nagpasimuno ay involved din before sa labanan for the Senate Presidency so malaki ang chances na related din doon ang mga ganito…” pahayag ni Casiple sa panayam sa Radio Veritas.

Kahapon, tinanggal bilang Senate President Pro-Tempore si Senador Franklin Drilon kung saan labingpitong (17) Senador ang bumoto para kay Senate Minority Leader Ralph Recto para maging bagong Senate President Pro-Tempore.

Inalis din bilang chairman ng Senate Committee on Education si Senador Bam Aquino, Senador Kiko Pangilinan bilang chairman ng Agriculture committee at Senator Risa Hontiveros bilang chairman ng Health Committee.

Samantala, una na ngang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na kailangang unahin ng mga politiko ang kapakanan ng taong bayan at kalikasan at huwag magpasilaw sa yaman o anumang uri ng tuksong nagmumula sa kapangyarihan at posisyon sa pamahalaan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 65,870 total views

 65,870 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 73,645 total views

 73,645 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 81,825 total views

 81,825 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 97,511 total views

 97,511 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 101,454 total views

 101,454 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TFDP, may bagong executive director

 15,683 total views

 15,683 total views Nagtalaga ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ng bagong executive director na mangangasiwa sa pagpapatuloy ng misyon ng organisasyon para sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top