Pagkilala ng ICC ng hurisdiksyon sa kaso ni dating pangulong Duterte, ikinagalak

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,234 total views

Nagpahayag ng kagalakan si Missionary Priest at Ramon Magsaysay Awardee 2025, Rev. Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD sa naging desisyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa hurisdiksyon nito sa isinampang kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa tinaguriang war on drugs.

Ayon sa Pari na siya ring founder at president ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na nangangasiwa sa Program Paghilom, ang desisyon ng ICC ay isang mahalagang hakbang tungo sa katarungan at paghilom na matagal ng hinahangad ng mga biktima ng extrajudicial killings.

“On behalf of Program Paghilom, we welcome today’s decision as a serious and meaningful step toward justice and healing. The ruling of the International Criminal Court on its jurisdiction over the period of the so-called war on drugs affirms a fundamental truth: the suffering of victims and their families cannot be buried in silence. Their pain is real. Their voices matter. Their call for accountability must be heard.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva.

Binigyang-diin din ng Pari ang paninindigan ng Program Paghilom sa panawagan para sa pananagutan, lalo na para sa mga pamilyang matagal nang bitbit ang bigat ng pagkawala at dalamhati ng kanilang mga mahal sa buhay na biktima ng marahas na implementasyon ng laban sa illegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte.

“We stand in solidarity with the families who, for years, have carried the weight of loss, fear, and unanswered grief. Their quiet cry—“Tama na po”—continues to echo, and it calls all of us to conscience.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Partikular ding inalala ni Fr. Villanueva ang mga biktimang nasawi, kabilang ang mga kabataan na sina Myca, Aldrin, at Kian Delos Santos, bilang paalala sa matinding epekto ng karahasan sa lipunan.

Ayon sa Pari, walang magiging tunay na pag-usad ang isang lipunan kung hindi nito kinikilala ang sariling sugat na dapat na solusyunan.

“We remember the lives lost, including the young—Myca, Aldrin, Kian, and many others—whose names remind us of the profound human cost of violence. No society can move forward without first acknowledging its wounds.” Ayon pa Fr. Villanueva.

Samantala, ipinahayag din ng Pari ang patuloy nitong misyon na samahan at kalingain ang mga mahihirap, bulnerable, at naisasantabi sa lipunan, kasabay ng pagpapatuloy ng proseso ng pagsusulong ng katarungan.

“As Program Paghilom, we remain committed to walking with the poor, the vulnerable, and the forgotten. We continue the work of healing—patiently, faithfully—even as the pursuit of justice takes its course. May this moment open a path not only to accountability, but to restoration—so that our wounded nation may begin, at last, to heal as one.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Umaasa naman si Fr. Villanueva na ang naging desisyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa hurisdiksyon nito sa kaso laban kay dating Pangulong Duterte ay maging hakbang upang magbukas ng daan hindi lamang sa pananagutan kundi pati sa ganap na pagpapanumbalik at tuluyang paghilom ng bansa bilang isang sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 59,410 total views

 59,410 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 92,492 total views

 92,492 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 120,843 total views

 120,843 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 188,575 total views

 188,575 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 207,593 total views

 207,593 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top