Deboto ni Our Lady of Manaoag, kinilala ni Archbishop Villegas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,430 total reads

Nagpasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa libu-libong debotong dumalo at nakiisa sa Pontifical Mass para sa ika-100 anibersaryo ng Canonical Coronation ng Nuestra Señora del Rosario de Manaoag.

Sa kanyang homiliya, kinilala ni Archbishop Villegas ang sakripisyo ng mga debotong dumalo, kabilang ang mga nasa labas ng simbahan na nagtiyagang makiisa sa pagdiriwang sa kabila ng init ng panahon.

Iginiit ng arsobispo na pantay-pantay ang lahat sa harap ng Diyos at ng Mahal na Birhen, at hindi hadlang ang sikip ng simbahan upang maranasan ang pag-aaruga ng isang ina.

“Maraming maraming salamat po sa inyong sakripisyo. Hindi po kayo kapatid sa labas. Tayo po ay pantay-pantay na kapatid. Langan lamang ay masikip yung simbahan. Pero tinitiyak ko po sa inyo, hindi po masikip ang puso ng ina para papasukin tayong lahat. At alam po ng Mahal na Birhen ang sakripisyo ninyo kahit kayo ay nasa labas ng basilika,” pahayag ni Archbishop Villegas.

Pinagnilayan ni Archbishop Villegas ang pagkakatawang-tao ng Salita ng Diyos, kung saan binigyang-diin niya na ang tunay na pag-unawa sa mensahe ng Diyos ay hindi lamang nakasalalay sa isip o pandinig, kundi higit sa lahat sa puso.

Aniya, tulad ng Mahal na Birhen, maaaring hindi agad maunawaan ang kalooban ng Diyos, ngunit sa pamamagitan ng pusong nakikinig ay nagkakaroon ng pananampalataya at pagtugon.

Binigyang pansin din ni Archbishop Villegas ang bahagi ng Ebanghelyo kung saan nilisan ng anghel ang Birhen matapos nitong tanggapin ang kalooban ng Diyos—isang karanasang inihalintulad niya sa mga sandaling tila walang tugon ang Diyos sa panalangin ng tao.

Sa kabila nito, hinikayat niya ang mga mananampalataya na kumapit sa alaala ng tinig ng Diyos na minsan nang narinig sa kanilang buhay.

Ayon sa arsobispo, bagamat maaaring dumaan sa pagsubok, pagdurusa, at katahimikan, nananatili ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus na isinilang ng Birhen.

“Tandaan natin, kahit iwanan tayo ng anghel, kahit walang bulong sa puso, kahit hindi na maintindihan ng ating isip…Pwede pa rin nating sabihin, narinig ko na ang tinig mo
minsan man lamang sa aking buhay,” ayon kay Archbishop Villegas.

Nanalangin si Archbishop Villegas sa Mahal na Birhen ng Manaoag na patuloy na akayin ang mga deboto patungo kay Hesus, lalo na sa mga panahong hindi na maunawaan ang pinagdaraanan ng buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 37,489 total reads

 37,489 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 87,912 total reads

 87,912 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 135,783 total reads

 135,783 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 239,731 total reads

 239,731 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 323,912 total reads

 323,912 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,097 total reads

 166,097 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top