Cardinal David, nanawagan ng pananagutan sa sunog sa Navotas landfill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,655 total views

Nagpahayag ng matinding pag-aalala si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David kaugnay ng naganap na sunog sa Navotas landfill.

Ayon kay Cardinal David, ang insidente ay sumasalamin sa mas malalim na krisis sa kalikasan at pananagutan.

Paliwanag ng kardinal, hindi dapat kumikilos na parang tambakan ang isang sanitary landfill dahil may malinaw na pamantayan ito sa ilalim ng Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.

“The law requires every barangay to have a Materials Recovery Facility, with each LGU diverting at least 25% of waste through recycling, composting, and reuse. Yet a 2023 Commission on Audit performance audit found that as of 2021, only 16,418 of 42,046 barangays were actually served by MRFs. The law exists. Compliance does not,” pahayag ni Cardinal David.

Binigyang-diin ni Cardinal David na nakababahala ang ulat ng kakulangan sa maayos na pagsasara at rehabilitasyon ng pasilidad, kabilang ang kawalan ng sapat na gas control systems at water treatment, na maaaring naging dahilan ng sunog.

Aniya, hindi na lamang ito usapin ng basura kundi ng kalusugan ng publiko, malinis na hangin at tubig, seguridad sa pagkain, at karapatan ng mamamayan sa balanseng kapaligiran.

“When a landfill poisons the air, endangers water sources, displaces aquaculture, and becomes a recurring fire and disaster risk, the public is not just entitled to answers — it is entitled to justice,” saad ni Cardinal David.

Nanindigan din ang kardinal na dapat managot ang mga may responsibilidad kung mapapatunayang may paglabag sa batas, at hinikayat ang publiko na gamitin ang kanilang karapatan na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga lumalabag.

Dagdag pa niya, ang sunog sa landfill ay hindi hiwalay na insidente kundi bahagi ng mas malawak na suliranin sa pamamahala ng basura sa bansa.

Panawagan ni Cardinal David ang sama-samang pagkilos upang igiit ang pananagutan at mapangalagaan ang kalikasan at kalusugan ng mga komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 52,113 total views

 52,113 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,982 total views

 47,982 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 84,184 total views

 84,184 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 92,756 total views

 92,756 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 117,687 total views

 117,687 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top