Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,984 total views

Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Leanne Loreto, bagamat kasalukuyang nasa ENSO neutral conditions pa ang Pilipinas, mataas na ang posibilidad na magsimula ang El Niño pagsapit ng Hunyo, Hulyo, at Agosto, at magtatagal hanggang sa unang bahagi ng 2027.

Batay sa monitoring ng PAGASA Weather Forecasting Center, naitala ang patuloy na pag-init ng temperatura sa bahagi ng Karagatang Pasipiko na nagdudulot ng El Niño na isang kondisyon kung saan umiinit nang higit sa normal ang ibabaw ng dagat sa gitna at silangang Pasipiko, na may direktang epekto sa klima ng Pilipinas.

“Ngayong buwan ay hindi pa po tayo El Niño, nasa ENSO neutral conditions pa po tayo, ngunit mataas na yung tyansa na magkaroon tayo ng El Niño simulan ng Hunyo, Hulyo at Agosto, at magpapatuloy po ito hanggang sa early months ng 2027.” Bahagi ng pahayag ni Loreto.

Bilang isang weather specialist, inihayag din ni Loreto na inaasahang magsisimula ng mahina o “weak” ang nasabing El Niño ngunit posibleng lumakas ito at maging “moderate to strong” habang tumatagal.

Hindi rin isinasantabi ang posibilidad ng isang “very strong” o tinatawag na Super El Niño hanggang sa mga unang buwan ng susunod na taong 2027.

“Magsisimula po ito bilang isang weak El Niño, possible nga po by June, July, August and gradually ay mas lalakas pa ito at base po sa ating latest projections ay maaari pong maging moderate to strong El Niño itong phenomenon na ito hanggang sa early months ng 2027. Hindi din natin niru-rule-out na maging very strong El Niño event o Super El Niño ito kaya’t mag-antabay po tayo sa updates galing dito sa PAGASA.” Dagdag pa ni Loreto.

Ipinaliwanag din ni Loreto na ang pag-iral ng El Niño sa panahon ng Habagat ay maaaring makapagpalakas sa southwest monsoon, na magdudulot ng mas malalakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.

“Dahil June, July, August po magsisimula yung El Niño, ay ito po’y Habagat Season. So ang inaasahan po natin kung may El Niño during Habagat Season ay mas ma-e-enhance o mas mapapalakas nito ang Habagat at magdadala ito ng mas malalakas ng mga pagulan sa may western o kanlurang bahagi ng ating bansa.” Ayon kay Loreto.

Pagbabahagi ng eksperto, dahil magpapatuloy ang El Niño hanggang sa unang bahagi ng 2027, posibleng makaranas ang bansa ng dry spell at drought o tagtuyot at kakulangan sa tubig mula Oktubre 2026 hanggang Marso 2027.

Ayon kay Loreto, bagamat maaaring mas kaunti ang mabubuong bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility, inaasahan namang mas malalakas ang antas o level ng mga ito dahil sa pag-iraal ng El Niño.

Paliwanag ni Loreto, “Aside po doon dahil magpapatuloy nga ang El Niño hanggang sa early months ng 2027, yung dry season natin maaari po makaranas din tayo ng dry, dry spell at drought during October 2026 hanggang March 2027. Aside po dito, para naman po sa bagyo, maaari po tayong makaranas or maaari pong mas konting bagyo ang mabuo sa ating Philippine Area of Responsibility ngunit kahit mas konti po, ay mas malalakas naman po yung antas o level ng mga bagyo na ito.”

Samantala, hinihikayat naman ng PAGASA ang publiko na patuloy na mag-monitor ng mga update at maghanda sa posibleng epekto ng El Niño sa agrikultura, suplay ng tubig, at kalusugan.

Kaugnay nito, sa bahagi ng Simbahan, bukod sa pagdarasal na ipag-adya ang bansa mula sa anumang kalamidad at sakuna, ang pangangalaga sa kalikasan at ang kaalaman sa paghahanda laban sa iba’t ibang sitwasyon ay dapat na isaalang-alang ng publiko para sa kaligtasan ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 39,140 total views

 39,140 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 163,551 total views

 163,551 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 206,138 total views

 206,138 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 284,709 total views

 284,709 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 1,643 total views

 1,643 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top