Pagdedebosyon sa Our Lady of Manaoag,, nagdudulot ng pag-asa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,533 total reads

Nagbubunga ng pag-asa at mas malalalim na pananampalataya sa puso ng bawat Pilipino ang pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Manaoag.

Ito ang mensahe ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging pakikiisa sa 100th year Canonical Coronation ng Our Lady of the Rosary of Manaog.

Nagpahayag ng pasasalamat ang Pangulo sa patuloy na pagkalinga at pamamagitan ng Birhen ng Manaoag, na patunay ng walang sawang pagmamahal at proteksyon sa mga mananampalataya dahil ang mahalaga ang pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok, kasabay ng paghubog ng kababaang-loob at kabanalan sa buhay ng bawat isa.

““Almighty and loving God, we offer you our praise and gratitude as we celebrate the centennial anniversary of the canonical coronation of Our Lady of the Rosary of Manawag. A century ago, she was canonically crowned in recognition of her unwavering maternal care and intercession, reminding us of her steadfast love and protection for all whom she calls and for all who call upon her,” bahagi ng mensahe at panalangin ng Pangulo.

Hinimok din ni Pangulong Marcos ang sambayanan na tularan ang Birheng Maria at gawing gabay ang pananampalataya sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Sinabi ng PBBM na ang debosyon sa Birhen ay mapapalalim ang pag-asa at pagkakaisa ng mamamayan bilang isang bansang may matibay na pananalig sa Diyos.

““May this celebration deepen our bond as a people whom you have called in this blessed place of Manaoag and renew our commitment to serve you and our neighbors with love and compassion. Through the intercession of Our Lady of the Rosary of Manaoag , may our lives be filled with your blessings, and may we always glorify you in our words and actions,” dagdag pa ng Pangulo.

Umaasa naman ang Pangulo na magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang upang higit pang mapatatag ang pananampalataya ng bawat Pilipino at mahikayat ang lahat na maglingkod sa kapwa nang may malasakit at pagmamahal, kasabay ng patuloy na paghingi ng gabay sa Birheng Maria.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 37,471 total reads

 37,471 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 87,895 total reads

 87,895 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 135,766 total reads

 135,766 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 239,714 total reads

 239,714 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 323,897 total reads

 323,897 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top