“Benedicam”, pangako ng bagong obispo ng Diocese of Kalibo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,481 total views

Ibinahagi ni Kalibo Bishop Cyril Villareal ang malinaw at matibay na direksyon ng pamumuno bilang ikalimang obispo ng diyosesis.

Sa kanyang mensahe matapos ang kanyang episcopal ordination at installation sa Cathedral Parish of St. John the Baptist nitong April 23, binigyang-diin ni Bishop Villareal na ang kanyang pagtatalaga ay hindi bunga ng sariling kakayahan kundi ng pagtawag ng Diyos.

“It is the Lord who called and chose me… His faithfulness and goodness have sustained me,” pahayag ni Bishop Villareal.

Matapos ang panahon ng pagninilay at pagtanggap, inilarawan niya ang kanyang tugon bilang ganap na pagsuko sa kalooban ng Panginoon.

“This finally led me to accept this great office and to surrender and entrust everything to His will,” dagdag ng obispo.

Sentro ng kanyang pamumuno ang kanyang episcopal motto na Benedicam, na isang panata ng patuloy na pagpapala na hango sa Salmo 34:1.

Ang pangako ng bagong obispo ay isang pamumunong malapit sa tao at handang makinig, nagmamalasakit, at nananalangin kasama ng kanyang kawan.

“Benedicam. I will bless… It is a song of gratitude… but also an invitation to become a blessing to others… I promise that I will do my best to be a good shepherd to you—a shepherd who listens and cares for you,” aniya.

Sa kanyang homiliya naman, pinagtibay ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang direksyon ng pamumuno ni Bishop Villareal, na hinuhubog ng tunay na kahulugan ng Benedicam ang patuloy na pagpapala sa kabila ng anumang kalagayan.

Sa gitna ng mga sugat ng lipunan, iginiit ng kardinal ang papel ng obispo bilang tagapaghasik ng pag-asa sa mamamayan.

“In a world that easily focuses on what is broken, the bishop sees and sows hope. To bless is to believe deeply that God is at work in history, even when it is hidden,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ayon pa sa kardinal, ang tinig ng pastol ay dapat sumalamin sa tinig ni Kristo at nakaugat sa pag-ibig.

“The shepherd is called to speak not his own words but the words of Christ. Without love, words become empty. But when rooted in love, even simple words can give life,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Hamon ni Cardinal Advincula sa bagong obispo ang isang pamumunong may katatagan at katapatan kasabay ng pagkilala sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pagtalaga ng bagong pastol ng simbahan.

“To say benedicam is to say, ‘I will bless’—not only when it is easy, but even when it is difficult… You are already a blessing given by God to His people,” saad ng kardinal.

Pinangunahan ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang ordinasyon ni Bishop Villareal, katuwang sina Kalibo Bishop-emeritus Jose Corazon Tala-oc at Romblon Bishop Narcisio Abellana.

Dumalo rin sa pagtitipon si Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, at iba pang mga obispo at pari ng Pilipinas na nakiisa sa kagalakan ng Kristiyanong pamayanan ng Aklan.

Matatandaang January 24 nang italaga ni Pope Leo XIV si Bishop Villareal bilang kahaliling pastol kay Bishop Tala-oc makaraang maabot ang mandatory retirement age na 75 taong gulang.

Ipapastol ni Bishop Villareal ang mahigit kalahating milyong katoliko sa lalawigan ng Aklan sa 24 na mga parokya at dalawang mission stations katuwang ang halos 90 mga pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 53,244 total views

 53,244 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 49,113 total views

 49,113 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 85,315 total views

 85,315 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 93,842 total views

 93,842 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 118,691 total views

 118,691 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top